Mayor Rey Malonzo, balik-pelikula
October 8, 2002 | 12:00am
Sa isang pakikipagkwentuhan sa butihing mayor ng Caloocan City na si Rey Malonzo ay inisa-isa nito ang kanyang mga plano sa darating na panahon. May gagawin siyang international movie na pinamagatang Eagle Strike na prodyus ni Cirio Santiago. Isang Muslim na sundalo ang kanyang papel na gagampanan.
Ang Andres Bonifacio Story na naging telemovie ay babaguhin at iriri-shoot at ang napili nilang lumabas sa papel ni Gregoria de Jesus ay si Alessandra de Rossi. Itoy may pamagat na Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. "Gusto ko ring ibalik ang karate movies kaya balik-ensayo na naman ako sa martial arts. Ang dream movie ko ay isang maaksyong pelikula gaya ng The One ni Jet Lee. Siyempre, pangarap ko ring makilala internationally as an action star," anang mayor.
Balak niyang isali next MMFFP ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa dahil tumatalakay ito sa kabayanihan ni Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus. "Gustuhin ko mang isali ito ngayon ay hindi puwede... por delikadesa naman dahil ako ang over-all vice chairman ng MMFFP sa taong ito," dagdag pa nito.
Provincial superstar si Rey noong 1976 kung saan sunud-sunod ang paggawa niya ng pelikula na puro blockbuster. Sa loob ng isang buwan ay sabay-sabay ang movies niya. Hanggang itatag niya ang Twin Dragon Films International at nakapagpalabas ng 100 films.
Bilang bahagi ng showbiz ay mahal nito ang industriya kaya natutuwa sa pagtulong ni Pangulong Gloria Macagapal Arroyo.
"Bakit malakas siya kay GMA?" tanong ng isang reporter.
"Naging fan kasi ni Mayor Malonzo si Pangulong GMA na mahilig sa sine lalo na sa karate," sey naman ng isa.
Bilang pulitiko ay masasabing naging matagumpay si Mayor Malonzo dahil napakalaki ng proseso sa Caloocan lalo na ang pagiging maganda at makabago ng munisipyo, bago ang palengke, malaki ang commercial center, pinaganda ang ospital at pangarap na makapagpatayo ng Pamantasan ng Lungsod ng Kalookan. Huling termino na ni Mayor Malonzo sa Caloocan at may maganda siyang maiiwan kaya gusto niyang tumakbo pa ring congressman ng lungsod para maipagpatuloy ang mga proyekto lalo na sa Bagong Silang. "Kung ako ang masusunod, gugustuhin kong maipagpatuloy ang aking nasimulang proyekto."
Napaluha ako habang pinapanood ang eksenang nag-aagaw buhay si Gina Alajar at umiiyak na nakikipag-usap sa kanya ang anak na si Mylene. Touching ang tagpo at damang-dama ang sakit na mawalan ng isang ina.
Ngayon pa lang ay excited nang makatambal ni Angelika si Victor Neri dahil nagagalingan siya rito bilang aktor. First time na magkakapareha ang dalawa sa Habang Kapiling Ka kaya gusto na niyang masimulan ang taping.
Sa kabilang banda, hindi siya naghihinakit kung hindi man naging nominado sa pagiging best actress sa Star Awards for Television. "Better luck next time," sabi niya.
Natutuwa si Albert Martinez dahil magbabalik-tambalan sila ni Snooky Serna sa Habang Kapiling Ka kung saan mag-asawa ang papel na gagampanan nila. Isang kontrabida si Albert dito na kaiba sa role niya sa ILAM. Excited din na makaparehang muli ni Cookie ang aktor na naging malapit sa kanyang buhay noon.
May nakapagbulong na hindi maganda ang trato niya sa katulong sa bahay kung saan kapag may nagawa itong kasalanan ay madali siyang magmura. Kapag nakakainom at hindi agad nasunod ang ipinagagawa ay nambabato ito sa katulong gaya ng hawak niyang bag o kayay hairbrush. Pero kapag natapos naman ang ginawang pambabato ay bumabawi ito sa ibang paraan. Kapag namimili siya ay ipinamimili rin niya ang maid minsan ng mumurahing blouse, bag o kayay shampoo o sabon.
Ang Andres Bonifacio Story na naging telemovie ay babaguhin at iriri-shoot at ang napili nilang lumabas sa papel ni Gregoria de Jesus ay si Alessandra de Rossi. Itoy may pamagat na Pag-ibig sa Tinubuang Lupa. "Gusto ko ring ibalik ang karate movies kaya balik-ensayo na naman ako sa martial arts. Ang dream movie ko ay isang maaksyong pelikula gaya ng The One ni Jet Lee. Siyempre, pangarap ko ring makilala internationally as an action star," anang mayor.
Balak niyang isali next MMFFP ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa dahil tumatalakay ito sa kabayanihan ni Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus. "Gustuhin ko mang isali ito ngayon ay hindi puwede... por delikadesa naman dahil ako ang over-all vice chairman ng MMFFP sa taong ito," dagdag pa nito.
Provincial superstar si Rey noong 1976 kung saan sunud-sunod ang paggawa niya ng pelikula na puro blockbuster. Sa loob ng isang buwan ay sabay-sabay ang movies niya. Hanggang itatag niya ang Twin Dragon Films International at nakapagpalabas ng 100 films.
Bilang bahagi ng showbiz ay mahal nito ang industriya kaya natutuwa sa pagtulong ni Pangulong Gloria Macagapal Arroyo.
"Bakit malakas siya kay GMA?" tanong ng isang reporter.
"Naging fan kasi ni Mayor Malonzo si Pangulong GMA na mahilig sa sine lalo na sa karate," sey naman ng isa.
Bilang pulitiko ay masasabing naging matagumpay si Mayor Malonzo dahil napakalaki ng proseso sa Caloocan lalo na ang pagiging maganda at makabago ng munisipyo, bago ang palengke, malaki ang commercial center, pinaganda ang ospital at pangarap na makapagpatayo ng Pamantasan ng Lungsod ng Kalookan. Huling termino na ni Mayor Malonzo sa Caloocan at may maganda siyang maiiwan kaya gusto niyang tumakbo pa ring congressman ng lungsod para maipagpatuloy ang mga proyekto lalo na sa Bagong Silang. "Kung ako ang masusunod, gugustuhin kong maipagpatuloy ang aking nasimulang proyekto."
Sa kabilang banda, hindi siya naghihinakit kung hindi man naging nominado sa pagiging best actress sa Star Awards for Television. "Better luck next time," sabi niya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended