Gumawa ng sarili niyang pangalan sa industriya ng musika noong taong 2000, si Selina Sevilla nang ilabas niya ang mga awiting "Nilunok Kong Lahat (Ang Mga Sinabi Mo)" at "Ibaon Mo (Sa Limot)" na ikinatuwa ng maraming tagapakinig mapa-Maynila man o probinsiya.
Ngayong sinusundan ni Selina ang matagumpay niyang unang album na pinamagatang "Rated S". Hindi lang naman maganda si Selina at may magandang pangangatawan. Maganda talaga ang boses niya at may talento din siya pagdating sa pag-arte. Siya ay inyong mapapanood sa ISPUP sa ABC 5 at mga sitcoms kung saan ay kinukuha siya bilang guest actress. Isa siyang mang-aawit, mananayaw, aktres ay komedyante sa iisang pangangatawan.
Ang "Simply Selina" ay 12-track album na koleksyon ng mga kaaya-aya at masayahing ballad na nakakapagpainit ng puso. Mayroon ding mga sexy songs dito at tunog Latino na tumutukoy sa pagtrato ng ma kalalakihan at kababaihan, ang pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Ang kaniyang carrier single na "Ilang Ulit Na Ba?" ay tungkol sa isang babaeng ilang ulit nang sinaktan ng kanyang pinakaiirog ngunit mahal pa rin niya ito.
Naghahasik na naman ng mga seksing awitin si Selina Sevilla na tiyak ninyong maiibigan.
Ang kanyang album ay mabibili na sa lahat ng mga record bars.