Agimat pinakamagastos na pelikula ng Imus
October 6, 2002 | 12:00am
Actually hindi ang mismong pagbaril sa bahay ni Diether Ocampo ang nagpabalong ng luha sa mga mata ng nakakabata at magandang kapatid ni Bong Revilla na si Andrea "Andeng" Bautista bagaman at ikinalulungkot niya ng labis ang naganap sa itinuturing niyang kaibigan.
"Totoo, magkaibigan lamang kami ni Diet kahit na ano pa ang sabihin ng marami. And he will always be a good friend to me," sabi ng dalaga habang inililibot kami sa napaka-mahal na set ng Agimat, ang ikatlong venture ng Imus Productions na pinagtutulungan nilang magkakapatid (Bong, Rowena, Marlon, Strike at Diane) na patakbuhin.
Ang kalupitan ng marami ang naging dahilan kung kaya siya umiyak ng labis, ang paniniyak nilang may kinalaman siya sa mga naganap. "Bakit ako, wala naman akong kaalam-alam dun. Bakit parang tinitiyak na agad nilang may kasalanan ako," tanong ni Andeng habang walang patid ang pagtulo ng kanyang mga luha.
After the incident ng pamamaril sa bahay ni Diet ay may mga taga-showbiz na binibiro siya ng tungkol dito. "Biro na masakit, dahil wala naman talagang basehan. Nakakahiya nga sa pamilya ko dahil wala silang kaalam-alam dito. Maski na ang dad ko (Sen. Ramon Revilla) ay tinanong ako kung bakit nali-link ang pamilya namin dito. Its unfair at talaga namang nakakahiya. Pinalalabas ba nilang desperada ako kay Diether?" dagdag na tanong pa ng dalaga.
Samantala, totoong magastos ang Agimat na kasalukuyang sino-shoot nila. Madalas nga ay nalulula si Andeng, na siyang humahawak ng budget ng pelikula, sa laki ng gastos pero, wala siyang magawa. Sa set pa lamang ay gumastos na sila ng mahigit sa P3M. Ang Agimat ay katumbas ng dalawang pelikula at isang quickie. Ang fight scene ay ala-Matrix. Dalawa ang unit na ginagamit sa shooting. Yung arkila ng motion control camera na ginamit sa pelikula ni Jolina Magdangal (Kung Ikaw ay Isang Panaginip) ay sa TF na ni Bong ibabawas. Hindi naman ito tumutol. "Okey na kung makakatulong ito para maiangat pa ang kalidad ng pelikula namin," ani Bong.
Actually, wala sanang entry sa Manila Film Festival Philippines ang kumpanya nina Bong until Peque Gallaga presented them with a story eight months ago. Unang na-in love si Marlon (Bautista) sa istorya at ang sumunod na kabanata ay pinaghandaan na nila ito.
Sisenta porsyento nang tapos ang pelikula na tinatampukan ng tatlong henerasyon ng mga Revilla si Sen. Ramon, si Bong at si Jolo.
"Si Jolo ang talagang bida sa movie. Makabagong istorya ito ng isang super hero ngayon," ani Bong. "Parang Spiderman at Superman. Si Jolo si Clark Kent, pag Superman na, ako na yun," ani Bong,
"Kung sa Spiderman ay isang writer ang secret identity nito, sa Agimat, (hindi na Anting Anting ni Lolo na siya sanang gustong titulo ni Sen. Ramon pero, mas marami ang may gusto ng Agimat) ay isang istudyante si Jolo na nilalabasan ng katawan ni Bong.
Kapag nagtagumpay ang Agimat ay magkakaroon pa ito ng mga sequel.
Tampok din sa pelikula sina Shaina Magdayao, bilang love interest ni Jolo, Mylene Dizon na mahigit 12 oras ikabit ang prosthetic make up, Carlos Morales at Nancy Castiglione, mga hari at reyna ng ancient evil, si Goyong na kapag kailangan ni Bong ng speed ay nagiging Goyong siya. Gina Alajar, Jaime Fabregas, Anne Curtis at isang mahabang talaan ng artista.
Si Roger Cruz ang production designer ng pelikula. Siya rin ang prod. designer ng Oro, Plata, Mata at Platoon ni Oliver Stone. Si Richard Padernal ang cinematographer. Ang 3D nito ay sa Australia pa gagawin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended