Hindi nyo ba napapansin na tila at home na at home si Ana Capri sa all-spoof show ng ABC-5, ang ISPUP? Tatlong magkakasunod na episodes na siyang napapanood na nakikipagsabayan kina Willie Nep, Jon Santos, Leo Martinez at Candy Pangilinan. Ayon sa aming source, tila nagi-enjoy nga nang husto si Ana Capri sa kanyang bagong line of roles, which she delivers very professionally. Natural na natural daw ang dating ng pag-arte niya ng comedy, tila ba matagal na niya itong ginagawa. Well, isa lang ang ibig sabihin nito, may bagong kasama na si Selina Sevilla pagkatapos ni Mystica. Kaya Ana Capri, ipagpatuloy mo lang yan, who knows what other doors will be opened for you in showbiz.
Huwag palampasin ang ISPUP ngayong gabi, 8:30 sa ABC-5 sapagkat makakasama rin ninyo ang isa pang sexy lady na si Michelle Bayle.