Sa lahat daw nilang magkakapatid ay ito talaga ang ayaw na ayaw mag-artista, dahil baduy daw. Nagulat pa siya nang pumunta sila ng Cebu at pinagkaguluhan ito ng tao.
"Grabe! Hindi naman ako na-insecure dahil hindi pa naman ako nakakalimutan ng tao, no! Pero talaga, nakakagulat siya. Yung yaya ko nga, nakipag-agawan pa sa pagbili ng Candy Mag. Sold out daw, eh si Richard ang nasa cover," kwento ni Ruffa.
"Maski ang acting niya has improved a lot. Naiyak nga ako nang minsan ay panoorin ko siya sa Click. It means may depth na ang acting niya.
"I often tell him to be smart and save his money. Huwag bili nang bili but, I also understand that he has needs. Syempre artista na, kailangang pumorma.
"Dahil sa kanya, nai-encourage yung iba ko pang mga kapatid na mag-artista na rin. Siguro, the next to enter showbiz is Elvis, and maybe, Richie Paul. The other half of the twins, si Raymond, is not interested. Mas gusto niyang mag-aral. He goes to Beverly Hills High School," kwento pa ng dating Miss World runner-up who has decided to stay in the country for a year and activate her career. Nasa pangangalaga siya ngayon ng Manila Genesis Entertainment Inc.
Ruffa will be producing concerts at the Country Waffles under her Royale Era Entertainment company. Isa sa tampok sina Rico Puno at Rosanna Roces (Okt. 25) at ang ikalawa ay topbilled nina Ara Mina at Hajji Alejandro. (Okt. 26). Isang dinner show ito na ang beneficiary ay ang Asilo Medalla Milagrosa of Cebu.
Nakakabilib talaga si Aiza, wala siyang ginawa na hindi niya pinagtagumpayan. She was a most popular child star. The only one perhaps who has won a best actress award from the TV Star Awards. Nang luminya siya sa shooting, nag-excel din siya. Ngayong dalaga na siya, nanguna na naman bilang recording artist. Who would have thought na makakabalik pa siya?
Kaya panay ang pasalamat niya sa Diyos sa mga blessings niya at ito ay binigyan niya ng oras sa kanyang concert na siya rin ang nag-direct. At walang nanood nito na hindi aamin na maganda ang naging concept ng show na inaalala ang kanyang naging simula hanggang sa muling pagtatagumpay na kung saan ay nagbabahagi pala siya sa mga nangangailangan.
Mabuhay ka Aiza, at ipagpatuloy mo pa ang iyong mabubuting gawain.