Kunsabagay, malaki nga namang problema kung totoo ang balita na nagkakabit sa pangalan ni Camille at sa isang mabilis na sumisikat na aktor si Jordan Herrera. Ang kaso, hindi malaman ni Camille kung saan nagmula ang balita na ayon sa kanya ay 100% na kasinungalingan.
"Hindi totoong girlfriend niya ako. Nasa school ako nang tawagan ako ng mom ko at sinabi niya ito. Nagulat ako! But I assured her that it wasnt true.
"Naintriga na rin ako in the past pero never akong nag-react. Iba ngayon dahil naka-headline pa ako and the man is supposed to be married and has a kid.
"Ang mahirap, nanganganak ang balita. Now theyre saying that I supply him with cellcards at tumatawag ako sa kanya in the middle of the night, and that we call each other "Babe".
"Sana naman tigilan na ninyo ito, kung sino man ang gumagawa nito, dahil hindi ito totoo. And its not doing me any good. Also, it has affected my whole family," pakiusap ni Camille.
Sa kabila ng mga intriga, sinabi ng mga taga-Secosana na sold sila kay Camille para maging endorser. Camille has grown up right in the public eye, popular, talented, classy but down to earth.
Isa siya sa Viva Records artist who made a sweep at the recent Awit Awards. Nakuha niya ang Album Of The Year award para sa "A Better Man" Best Performance By a Male Recording Artist award para sa kanyang awiting "Ikaw Sana" na mula rin sa "A Better Man".
Ang iba pang Viva recording artists na nanalo ay ang The Company, Best Vocal Performance By A Group, Gabby Eigenmann, Best New Male Artist, Gloc 9 for Best Rap Recording, RiverMaya, Best Alternative Recording Artist, Jaya, Best Jazz Recording With Vocals, John Lesaca, Best Instrumental Performance, Joseph de Veyra, Best Album Cover ni Sharon Cuneta.
Ogie is also credited, along Michael V. , for the long years that Bubble Gang has stayed on the air. Kung hindi sa mahusay nilang tandem, hindi ito aabot ng ganun katagal sa ere.
"May respeto kami sa isat isa ni Michael. Kahit na siya ang mas magaling sa aming dalawa ay hindi niya kailanman ako ina-upstage.
"Maganda rin ang trato sa amin ng GMA. Maski sa pagkuha ng mga talents ay kinu-konsulta kami. Talagang binigyan nila kami ng hand sa show," patuloy niya.
Ngayon magkasama silang muli ni Michael sa Bestman...4 Better Not 4 Worst. " Si Michael ang gumawa ng story kaya nakasisiguro kayong nakakatawa ito," sabi niya bilang pagtatapos.