Ruffa career muna sa 'Pinas
October 2, 2002 | 12:00am
Isang taon nating makakapiling si Ruffa Gutierrez na katulad ng kanyang kaibigang si Donita Rose ay nasa pangangalaga na rin ng Manila Genesis Entertainment & Management Inc. na pinamumunuan ni Angeli Valenciano. Sa loob ng panahong ito, gagawa ng teleserye si Ruffa (Kahit Na Kapiling Ka) na ididirihe ni Maryo J. delos Reyes kasama sina Angelika dela Cruz, Victor Neri at dalawa niyang kapatid na sina Tonton at Richard Gutierrez. Gusto rin niyang magkaroon ng sarili niyang talk show o kaya ay pelikula kapag nakakita siya ng magandang istorya.
Sa Columbia sana siya pinapupunta ng kanyang nobyong si Ylmas Bektas nang umalis siya sa kumpanya ni Botelho pero tumanggi siya. "Ayaw ko namang mamatay dun no!" sabi niya. Sa halip ay nagpasya siyang umuwi rito na agad namang sinang-ayunan ng bf niya dahil pareho silang naniniwala na mas ligtas dito si Ruffa kaysa sa ibang lugar. Dito sila magpa-Pasko ni Ylmaz pero, sa bagong taon ay pupunta sila ng Sidney, Australia na kung saan ay may mga negosyo ito.
"Di na ako nag-renew sa Century Productions because of love. Twenty seven years old na rin ako at parang nagsasawa na rin ako sa palipat-lipat ng lugar. Hindi rin comfortable si Ylmas na palaging naka-off ang cell ko at hindi niya ako makausap.
"Naisip ko rin ang mga friends ko. Marami sa kanila are married at kung hindi naghiwalay now have kids.
"Pagdating ko busy naman sa negosyo niya si mommy kaya pumunta ako kay tita Angeli para magpa-handle. Wala namang problema dahil magkaibigan sila ni mommy," sey pa ng magandang artista.
Kukuha si Ruffa ng acting coach bago siya sumabak ng trabaho. "Matagal din akong nabakante, baka kinakalawang na ako," sabi niya.
Habang naririto siya, sasamantalahin ni Ruffa ang panahon para gawing aktibo ang sarili hindi lamang sa showbiz kundi maging sa mga charity works. Kung hindi niya mairi-revive ang kanyang Roof-a-Child Foundation ay baka magtayo sila ni Ricky Reyes ng bagong foundation, para rin sa mga streetchildren and elderly.
Wala nga kayang panghihinayang na nadarama sina Joyce Jimenez at Jay Manalo sa naging wakas ng kanilang relasyon na nauwi sa kanilang paghihiwalay?
Ang dalawa ay magkaparehang muli sa pelikula ng Regal Films, ang muling pagsasapelikula ng isang obra ni Orlando Nadres na pinamagatang Masikip, Mainit... Paraisong Parisukat at nasa direksyon ngayon ni Joey Javier Reyes. Unang naging tampok dito sina Christopher de Leon at Alma Moreno.
Kung ano ang naganap sa dalawa nun, what went wrong, sila lamang dalawa ang nakakaalam pero, hindi nahirapan si Direk Joey na gawin ang kanilang lovescenes. Ang makikita sa screen ay ang init na kanilang naranasan nun at ayon sa mga nakapanood na ng pelikula, sing init pa rin ito ng dati.
"He taught me about myself and life. Straight siya at matalino kaya nahirapan akong mag-adjust when we separated. But we were both young at the time. Nineteen lang ako so what do you expect? I was lost and alone. I was looking for affection and he gave it to me. He will always hold a special place in my heart," ani Joyce kay Jay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended