Aga, Claudine movie, 7 months in the making!

Early afternoon nung Linggo nang dumating kami sa lugar na kung saan sino-shoot ng Star Cinema, under the helm of Director Rory Quintos, ang first team-up movie nina Aga Muhlach at Claudine Barretto, now titled Kailangan Kita.

Medyo nakapagtataka na wala kaming inabot na tao na karaniwan nang tanawin sa mga shooting. Matataray kaya ang mga Sta Rita at ayaw mabansagan na mga "baduy" na siyang tawag sa mga nagmimiron sa mga shooting? O talaga lamang di sila mahilig sa pelikula at sa mga nagtatrabaho dito? Kung ito ang kaso, nakakalungkot naman dahil kaabang-abang at kapuri-puri naman ang maraming pelikula at artista natin. Kahit ano pa ang sabihin ng marami.

Si Aga ang sumagot sa aking katanungan. "Matagal na kami rito, kaya siguro nagsawa na rin sila. But, before, marami rin kaming crowd."

Sinigundahan ito ni Liza Lorena na kasama sa cast sa pamamagitan ng pagsasabi na, medyo matagal na rin silang nagpapabalik-balik sa nasabing lugar.

Aga has to give up one movie dahil lamang sa pelikula na may record na magpapatunay na mas marami pang beses na-pack up ito kaysa nag-shoot.

Ang madalas na pag-ulan ang binibigyan niya ng sisi. Pero, isang mapagkakatiwalaang source ang bumanggit na madalas din daw magkasakit si Claudine. Bunga ng walang humpay na taping ng kanyang mga programa sa ABS-CBN.

Pitong buwan na ngang ginagawa ang Kailangan Kita, dating Ginataang Apoy at mga 10 araw na lamang ay tapos na ito kaya makapagpapatuloy na sa kanilang ibang gawain ang lahat ng kasama sa produksyon – mula direktor, artista hanggang sa utility.

Sa November 16 ang playdate ng pelikula na tungkol sa isang New Yorker chef na si Carl (Aga) na kinailangang umuwi ng Pilipinas para mapakasalan ang kanyang nobyang model. Bikolana ang modelo kaya dito gaganapin ang kanilang wedding. Hindi siya nakasabay sa pag-uwi ng boyfriend dahil may tatapusin pa siyang commitment sa New York. Mag-isang tutuklasin ni Aga ang ganda ng bansang kanyang iniwan at ayaw na sanang balikan, ang makulay na kultura nito at malilipat ang kanyang damdamin sa kapatid ng nobya (Claudine) na ang buhay ay parang inilaan na sa pagsisilbi sa kanyang pamilya. Ang pagdating ni Aga ang magbibigay ng kakaibang pananaw ni Lena (Claudine) sa buhay.

Bagaman at isang love story ang Kailangan Kita na nalikha amidst the beauty of Bicolandia, lalo na ng Mayon Volcano, ayon sa dalawang artista ng pelikula, wala itong kilig factor sapagkat passionate ang romansa nila na pinalalim ng kani-kanilang mga paniniwala. May lovescene sila na mga dalawang araw kinunan at sila mismo ang nag-choreograph.

"Gusto namin ni Aga na mapaiba ito sa mga lovescene na karaniwan nang napapanood," sabi ni Claudine.

Hindi ito first kiss nina Aga at Claudine sa film. Nung 13 years old si Claudine ay nagkaroon na rin sila ng kissing scene, sa isang movie ni director Marilou Diaz Abaya. Yung halikan nila dito sa movie ay naganap sa isang kamalig sa Candaba, Pampanga.

Kumuha ng cooking lessons sina Claudine at Aga para sa kanilang mga roles. "I had to learn how to cook Bicol recipes. Marunong na akong magluto pero, iba pala ang pagkaing Bicol, magata at maanghang. Di pwedeng daya, dahil ipinakita sa movie na nagluluto ako. Si Aga naman had to learn French cooking. Three weeks kaming nag-aral, three times a week. Hiwalay kaming tinuruan ni Aga," dagdag pa ni Claudine.

Di tulad ni Claudine, hindi nagluluto si Aga. Taga-kain lang siya ng lahat ng niluluto ng misis niyang si Charlene Gonzales. Ikinuwento niya na first time na tumulong siya sa kusina kay Charlene ay naaksidente pa siya, napaso nang tumapon ang kalabasa na nasa blender na gagawin sanang soup ni Charlene.

"Si Charlene ang talagang magaling magluto, ginagawa niya ito dahil gusto niya at therapy din niya," sabi ni Aga.

Sa pagtatapos ng pelikula, parehong makakahinga ng malalim sina Aga at Claudine. Makakauwi nang palagi ang guwapong aktor na talagang na-miss ng husto ang kambal niyang anak. Para maibsan ang kanyang loneliness, kinunan niya ito ng photo sa pamamagitan ng kanyang cellphone at palagi niya itong tinitingnan. Kapag hindi siya nakakauwi.

Pwede, na ring magkaroon ng time para sa kanyang sarili si Claudine. Sinabi niya na impossible silang makalabas ni Raymart Santiago na isa pa rin sa lalaking malapit sa kanyang puso dahil "Wednesday lang ang libreng araw ko tapos, taping pa niya ng Kool Ka Lang. Kapag napa-pack up ito, nakakalabas kami," sabi niya.

Show comments