Ayon kay Lopez, siya ay umiyak at lubhang naapektuhan pagkatapos niyang mapanood ang nasabing episode.
Ayon sa City Prosecutors Office kailangang mapatunayan na ang nasabing segment ay may malisya at masamang layuning siraan ang dating child star. Sa desisyon, naniniwala ang prosecutor na ito ay ginawa "in humor" at walang layuning siraan ang dating child star. Dahil wala namang "abusive" at "libelous" words na ginamit sa nasabing segment, ito ay protektado alinsunod sa freedom of speech and expression.
Ang resolution na nagbabasura sa kaso ay ibinaba noong ika-29 ng Hulyo ng taong ito, ay pinirmahan nina 2nd Assistant Prosecutors Lorna F. V. Catris-Chua Cheng at Josephine Fernandez at inaprubahan ni City Prosecutor Claro A. Arellano.