Manager ni Assunta tinatakot ni Jules!
September 29, 2002 | 12:00am
Sa unang pagkakataon pagkatapos nang ilang buwan ng pananahimik ay nagsalita na si Direk Manny Valera, manager ni Assunta de Rossi, tungkol sa mga ginagawang pananakot sa kanya ni Congressman Jules Ledesma.
Hindi na kayang dibdibin ng manager ni Assunta ang sobra-sobrang pakikialam ni Cong. Jules sa career ng aktres, kasama na ang madalas na pananakot nito sa kanya.
Sa ilang mensahe sa text na ipinadala ng kongresista kay Direk Manny ay nananakot ito na exploitation ang isasampa nitong kaso laban sa kanya sa Kongreso.
Buong pagyayabang na sinabi pa ng pulitiko na dalawang-daang milyong piso ang danyos perwisyo na sisingilin nito kay Manny Valera, dahil pinipilit daw niyang maghubad sa harap ng mga kamera ang nasa wastong edad ng aktres.
Sa isang mensahe pa ni Cong. Jules kay Direk Manny ay nakalagay dun ang isang malutong na pagmumura, yung uri ng murang pangkalye kung saan ang tinutukoy ay ang namayapang ina ng direktor bilang isang puta.
Hindi namin maintindihan kung bakit ang nalalaman na laban sa buhay ng pulitikong ito ay puro takutan.
Tinakot na nito noon ang mag-inang Mommy Nette at Alessandra, ang kanyang kapangyarihan din ang ipinagmamalaki ni Jules sa mag-ina.
Meron pang mensahe sa text si Cong. Jules kung saan sinasabi nito kay Direk Manny na ihaharap na nito sa isang congressional hearing ang ginagawa niyang pang-i-exploit kay Assunta.
Ang tanong, alam ba ng mga kasamahang kongresista ni Jules Ledesma na kinakaladkad nito pati ang kapangyarihan ng Mababang Kapulungan sa pananakot nito sa kanyang mga kalaban?
Sa rami ng problema ng bayan na nakahain ngayon sa Kongreso ay magkaroon pa kaya ng panahong asikasuhin ng Mababang Kapulungan ang problema nina Direk Manny at Assunta?
Sa gustong mangyari ni Assunta na si Cong. Jules na lang ang magpatakbo sa kanyang career at ietsa-puwera na ang mga paghihirap na ginawa sa kanya ni Manny Valera ay may sagot dun ang manager ng aktres.
Buy out ng kontrata ni Assunta ang sagot nito, kailangang bilhin ni Cong. Jules sa halagang sampung milyong piso ang kontrata sa kanya ni Assunta.
Yun lang ang nalalaman nitong solusyon sa sobra-sobra nang pananakot sa kanya ng pulitiko, ang bayaran ng kongresista ang kontrata sa kanya ni Assunta.
Ipinagtataka namin ang paulit-ulit na pagyayabang ni Cong. Jules kahit kanino at kahit saan.
Hindi lang siya matugon ng mga waiters sa isang restaurant dahil maraming umoorder ay agad nang magbibitiw ng kung anu-anong kayabangan ang pulitiko.
Idedemanda raw niya si Direk Manny Valera, dalawang-daang milyong piso raw ang halaga ng asuntong isasampa niya laban sa manager.
"May pambayad ka na ba ng filing fee?" tanong pa ng kongresista kay Direk Manny sa text na pinagtakhan namin, dahil bakit si Direk Manny ang kailangang maghanda ng pambayad sa filing fee, samantalang siya ang magsasampa ng kaso?

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am