Nineteen years old na si Piolo na araw-araw, Lunes hanggang Sabado, ay napapanood sa Eat Bulaga. Mas bata siyang tingnan sa kanyang edad at higit na guwapo sa natural.
Nagsimula siya sa Eat Bulaga bilang host sa isinagawa ditong U Bet, isang personality contest para sa mga mag-aaral sa mga unibersidad at kolehiyo sa Kamaynilaan. Nang matapos ang nasabing paligsahan, kinuha siyang muli ng TAPE para maging regular host ng pantanghaling programa ng GMA. Dati ay nag-iisa siyang kabataang host ng show. Dalawa na sila ngayon ni Toni Gonzaga. Bukod sa Eat Bulaga, regular na rin siyang napapanood sa Daddy Di Do Du. Pinalitan niya si Russel C. Mon bilang suitor ni Danica Sotto. Napapanood din siya sa Kahit Kailan bilang kapareha ni Roxanne Barcelo.
Marami na akong na-interview na mga artista pero, isa na marahil sa pinakamasaya si Paolo. Wala yatang moment na hindi ito nagpapatawa. Hindi naman siya trying hard na nagki-kenkoy pero maganda ang timing niya at mahusay siyang umisip ng punchline. Matangi sa metal na nakalagay sa kanyang mga ngipin (braces), isa siyang normal na kabataan na pwedeng luminya sa komedi.
Nasa ikalawang taon siya sa kursong MassCom sa St. Louis University sa Baguio nang magpasya siyang tumigil pansamantala para subukin ang kanyang kapalaran sa Maynila. Hindi naman siya nahirapan. Dahilan sa guwapo, madali siyang nakuha sa komersyal (Jollibee, Lucky Me, Max candy).
Nagbibigay ng malaking excitement ngayon kay Paolo ang kanyang nominasyon bilang New TV Personality sa Star Awards for TV na magaganap sa buwan ng October.
Bukod sa hosting and acting, Paolo also paints. May ilan na siyang yari na balang araw ay baka ilabas niya sa isang exhibit. Ang talinong ito ay namana niya sa kanyang great grandfather na si Fernando Amorsolo. Ang lola niya at ang mommy ni Eula ay mga anak ni Amorsolo.
Ang kanyang ama ay namamahala ng isang art gallery sa New York. Bunso siya at nag-iisang lalaki sa tatlong magkakapatid. Dalawang artista na ang ambag ng Cabanatuan City sa pelikula, ang isa ay si Leonardo Litton na ang inang nurse ay kasamang nagtatrabaho ng kanyang inang isang dietician sa isang ospital sa Cabanatuan.
"Iba naman ang confidence sa pagiging mayabang," pagtatanggol ni Michael V. sa mga ganitong paratang. "Sa kabila nga ng mga papuri ay ayaw kong isipin na nasa top ako. Ang tendency kasi nito ay bumaba ako. Mas gusto kong isipin na nasa baba ako at papaakyat, may room pa ako for improvement," aniya.
At this point, gustong balikan ni Michael ang kanyang rapping. "Pero, iibahin ko na ang approach."
Inamin niya na tumigil siya ng paglabas sa pelikula at recording nang mauso ang piracy. "Nag-concentrate na lang ako sa TV," aniya.