Komposisyon ni Bryan McKnight, ipinakanta sa isang baguhan

Galit ang mga fans ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez dahil balitang nasapawan ito ng isang baguhang singer na taga-Cebu sa pagsasaplaka ng isang original composition ng international singer na si Bryan McKnight.

Matatandaan na nung dumating dito si McKnight ay si Regine ang naka-back-to-back nito sa isang concert sa Araneta Coliseum. Full of praise pa nga ito sa galing ni Regine. So expected ng mga fans ni Regine na ito ang mapipiling mag-record ng komposisyon ni McKnight pero, sa halip, isang baguhang singer na nagngangalang Gail Blanco, ang kakanta ng composition ni McKnight na pinamagatang "Once In A Lifetime" under MCA Universal.
* * *
Ligtas na sa masasamang mga elemento gaya ng kidnapping, robberies, at iba pang krimen ang mga sasakay ng taksi. Sa tulong ng Sonora zed Philippines, Inc., nangungunang pangalan sa mobile phones at Smart Communications, inilunsad ang SAFE-TAXI, isang serbisyo na mag-momonitor sa isang pasahero simula sa pagsakay niya ng taksi, bus, o kotse hanggang sa pagbaba niya ng sasakyan.

Ang gagawin nyo lamang, ay mag-register sa pamamagitan ng inyong cellphone by texting "TX ON", the taxi name and plate number. Pagdating sa inyong pupuntahan, deactivate SAFE-TAXI by sending "TX OFF".

Kapag hindi mo in-off ang SAFE-TAXI sa loob ng 30 minuto, padadalhan ka ng mensahe ng system. Texting "TX SAFE" ay magsasabi sa system na OK ka. Magpapatuloy ang pagtsi-tsek up sa yo ng system tuwing ika-30 minuto at 15 minuto hanggang i-deactivate mo ang SAFE TAXI.

Kapag hindi ka sumagot sa mensahe ng system, iaalerto nila ang mga numero na ibinigay mo nang magpa-rehistro ka.

Nangangailangan din ang SAFE TAXI ng password para ma-activate o deactivate ito. Sa paraang ito hindi magagamit ng iba ang serbisyo kapag hindi ka nakarating sa iyong destinasyon.

P2.50 lamang ang babayaran mo bawa’t tawag. Para sa kabuuang biyahe, mga P7.50 hanggang P12.50 ang babayaran mo, hindi na mahal kung tutuusin dahil ligtas ka naman sa biyahe mo.

Isa sa mga pumuri sa programang ito ng Smart zed ay si Senador Manny Villar na concerned din sa public safety. Kahit nilalagnat ay dumalo ito sa launching ng SAFE TAXI.

Show comments