Para sa ibang tao, gimik lamang ang pag-iibigan nina Jimboy at Mahal para silay pag-usapan. Pero para sa dalawa, wala silang pakialam sa perception ng ibang tao, ang mahalaga, alam nila ang totoo at masaya sila sa isat isa.
Sa launching ng debut album ni Jimboy sa ilalim ng Synergy Music Corporation muling pinatunayan ng dalawa ang kanilang pag-iibigan. Naroon si Mahal para suportahan ang kanyang minamahal na si Jimboy.
Aware pareho sina Jimboy at Mahal sa mga sinasabi ng iba, pero sa halip na magpaapekto ay lalo lamang tumatatag ang kanilang pagsasama at pagmamahalan.
Bukod kay Mahal, ang isa pang nagbibigay ng excitement kay Jimboy ay ang kanyang pagiging recording artist ng bagong tatag na record outfit, ang Synergy Music Corporation at siya ang kauna-unahang recording artist nito. Naka-out na sa market ang kanyang self-titled debut album na kung saan ang awiting "Nasasaktan Ka Ba?" ang kanyang carrier single. Itoy kinompos at inarrange ng kanyang mentor na si Ben Escasa.
Although may six years experience na siya sa showbiz, ang pakiramdam ni Jimboy ay ngayon pa lamang siya nagsisimula dahil anim na taon siyang nawala sa sirkulasyon.
Unknown to many, ang big boss ng Seiko Films na si Robbie Tan ang nagbigay sa kanya ng kanyang screen name na Jimboy Salazar mula sa kanyang unang screen name na Filio Salazar.
Kung hindi lamang umatras si Jimboy sa alok sa kanya ng Seiko Films na magpa-sexy sa pelikula, baka malaking artista na siya ngayon. Ang mahalagang papel ng Machete ay unang inalok sa kanya pero itoy kanyang tinanggihan dahil ayaw niyang mag-bold.
Nang mawala ang Thats Entertainment, ipinagpatuloy ni Jimboy ang kanyang pagkanta pero hindi nga lamang siya naging visible sa showbiz and out of his earnings ay nakapagpatayo siya ng sariling bahay sa San Fernando, Pampanga.
Pitong taong gulang pa lamang si Jimboy nang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Lumaki siya sa kanyang tiyahin at nagsarili naman siya nung siyay kumikita na. Sa kabila na hiwalay na ang kanyang mga magulang ay nakikita pa rin niya ang mga ito paminsan-minsan.
Kinabukasan, September 25 sa kaarawan mismo ni Bong ay binigyan siya ng party ng kanyang mga kasamahan sa VRB at pagkatapos nito ay nagkaroon naman ng salu-salo among his family and friends sa kanilang tahanan sa Ayala, Alabang.
Ang birthday wish ni Bong ay ang tuluyang paggaling ng kanyang amang si Sen. Ramon Revilla, ang pagkakaisa at kapayapaan sa ating bansa at ang maipatupad niya nang maayos ang kanyang tungkulin bilang chairman ng VRB.
Samantala, mukhang maiipit sa gitna si Bong sakaling naisin ng kanyang Ninong Ron (FPJ) na tumakbo sa pagka-pangulo sa taong 2004.
"Sa pagkakaalam ko, walang plano si Ninong Ron na pasukin ang pulitika. Pero pwede rin namang magbago ang kanyang isip. Kapag dumating ang pagkakataon na yon, medyo ipit ako dahil ninang ko rin si Pangulong GMA," natatawa niyang sagot.