Maricar may lovemaking sa patay!
September 26, 2002 | 12:00am
Hindi masisisi si Maricar de Mesa na sa higpit ng labanan ngayon ng mga bold stars ay pumayag siyang gumawa ng ilang mga eksena sa kanyang pelikulang Bedtime Stories ng World Arts Cinema na talaga namang kamangha-mangha at tiyak na pagtataasan ng kilay ng kanyang mga kalaban. Gaya ng pakikipag-lovemaking sa isang patay! Ito ay bukod pa sa pagpapakita niya ng kanyang boobs at pagkakaroon ng mga maiinit na eksena sa kanyang mga leading men!
Kapalit naman ng kanyang all-out bold ay hiniling niya na bigyan siya ng isang magandang istorya at direktor na magi-execute nito. Ibinigay naman sa kanya ang Bedtime Stories ni Jun Lana at si Maryo J. delos Reyes.
"Sasabak din lamang ako, gusto ko nasa mabubuting kamay ako," simula ni Maricar na umaming hindi biglaang desisyon ang gagawin niyang all-out bold. "Isang career move ito na matagal ko nang pinaghahandaan. Halos, andun na ako sa goal ko, bakit pa ako magpapatumpik-tumpik?" dagdag pa niya.
Magagaling din ang support cast ni Maricar Wendell Ramos, Anton Bernardo at ang baguhang si Iraz Melchor for her love interests at si Elizabeth Oropesa.
At kung hindi pa kayo sold sa todo- todong pagbu-bold ni Marcar sa Bedtime Stories, hintayin nyo ang follow up movie niya, ang remake ng Nympha para sa Regal na ididirihe naman ni Celso Ad Castillo.
Sayang, kung matutuloy ang planong pamimirmihan ni Director Joey Javier Reyes sa US, isang malaking kawalan siya sa industriya ng pelikula na nangangailangan ngayon ng mga mahuhusay na filmmaker para tuluyan nang makabangon. Hindi lamang si Direk Joey ang nagbabalak mag-migrate sa US, may ganito ring plano sina Direk Manny Castañeda at Carlitos Siguion Reyna kasama ang kanyang pamilya.
Ayon sa direktor ng Nine Mornings, ang movie ng Star Cinema na pinagsasamahan nina Piolo Pascual at Donita Rose sa kauna- unahang pagkakataon, ang takbo ng kabuhayan sa ating bansa ngayon ang pangunahing dahilan ng kanyang balak na paglipat sa Amerika.
Marami sa kanyang kaibigan at kaanak ang umalis na at agad ay nakakuha ng magandang trabaho dun. Marami namang prospects kahit hindi pa siya nakakaalis.
"Hindi pa naman ngayon, mga ilang taon pa," aniya, citing the condition of his mother na bagaman at malakas pa ay hindi na aniya makakayanan ang lamig sa Amerika. "Hindi ko naman siya maiiwang mag-isa rito," dagdag pa niya.
Aalis siya, sumandali, para tingnan ang kondisyon dun at para sumailalim sa ilang mga job interviews.
"Babalik ako agad. Gagawin ko pa ang Kulimlim," ang nakatakdang entry ng Neo Films para sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines. Tatampukan ito nina Angelu de Leon, Maui Taylor at Robin Padilla sa isang kakaibang role. Si Angelu ang rape victim, isang clairvoyant naman si Maui. First time gaganap na kontrabida si Binoe.
Ang Nine Mornings ang maghuhudyat ng opisyal na pagsisimula ng Pasko ng Star Cinema. Palabas ito sa Oktubre 16. Last year pa ito nagsimula ng filming para ma-capture nila ang Kapaskuhan. Natapos sila ng Pebrero. Yung simbahan na pinagkunan ay kailangan nilang gayakang muli para makuha ang Christmas atmosphere.
The characters of Piolo and Donita, kahit parehong sawi sa pag-ibig, ay makakatagpo ng bagong pag-asa, ligaya during the nine dawn masses o simbang gabi.
Kapalit naman ng kanyang all-out bold ay hiniling niya na bigyan siya ng isang magandang istorya at direktor na magi-execute nito. Ibinigay naman sa kanya ang Bedtime Stories ni Jun Lana at si Maryo J. delos Reyes.
"Sasabak din lamang ako, gusto ko nasa mabubuting kamay ako," simula ni Maricar na umaming hindi biglaang desisyon ang gagawin niyang all-out bold. "Isang career move ito na matagal ko nang pinaghahandaan. Halos, andun na ako sa goal ko, bakit pa ako magpapatumpik-tumpik?" dagdag pa niya.
Magagaling din ang support cast ni Maricar Wendell Ramos, Anton Bernardo at ang baguhang si Iraz Melchor for her love interests at si Elizabeth Oropesa.
At kung hindi pa kayo sold sa todo- todong pagbu-bold ni Marcar sa Bedtime Stories, hintayin nyo ang follow up movie niya, ang remake ng Nympha para sa Regal na ididirihe naman ni Celso Ad Castillo.
Ayon sa direktor ng Nine Mornings, ang movie ng Star Cinema na pinagsasamahan nina Piolo Pascual at Donita Rose sa kauna- unahang pagkakataon, ang takbo ng kabuhayan sa ating bansa ngayon ang pangunahing dahilan ng kanyang balak na paglipat sa Amerika.
Marami sa kanyang kaibigan at kaanak ang umalis na at agad ay nakakuha ng magandang trabaho dun. Marami namang prospects kahit hindi pa siya nakakaalis.
"Hindi pa naman ngayon, mga ilang taon pa," aniya, citing the condition of his mother na bagaman at malakas pa ay hindi na aniya makakayanan ang lamig sa Amerika. "Hindi ko naman siya maiiwang mag-isa rito," dagdag pa niya.
Aalis siya, sumandali, para tingnan ang kondisyon dun at para sumailalim sa ilang mga job interviews.
"Babalik ako agad. Gagawin ko pa ang Kulimlim," ang nakatakdang entry ng Neo Films para sa darating na Metro Manila Film Festival Philippines. Tatampukan ito nina Angelu de Leon, Maui Taylor at Robin Padilla sa isang kakaibang role. Si Angelu ang rape victim, isang clairvoyant naman si Maui. First time gaganap na kontrabida si Binoe.
Ang Nine Mornings ang maghuhudyat ng opisyal na pagsisimula ng Pasko ng Star Cinema. Palabas ito sa Oktubre 16. Last year pa ito nagsimula ng filming para ma-capture nila ang Kapaskuhan. Natapos sila ng Pebrero. Yung simbahan na pinagkunan ay kailangan nilang gayakang muli para makuha ang Christmas atmosphere.
The characters of Piolo and Donita, kahit parehong sawi sa pag-ibig, ay makakatagpo ng bagong pag-asa, ligaya during the nine dawn masses o simbang gabi.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended