Ngayon, ang kanyang misteryoy ilalahad na. Pagkatapos maiyak ni Diwata sa napaka-kontrobersyal na pakikipagharap kay Mystica sa The Buzz. Biglang naalala ng publiko ang kanyang pangalan at nagsimulang tanungin ang pribadong buhay. At kung datiy ang kantang "Sisirin Mo", ang isyu, ngayon ang singer na ang usap-usapan. Sino ba talaga siya? Maaaring nasagot na ito noon pero hindi gaanong pinansin. Sa pagkakataong ito, na kay Diwata na ang nararapat na atensyon.
"Ang nangyari po sa akin nitong huli sa top rating talk show," wika niya, "ay traumatic para sa akin. Lalo pat iba-iba ang reaksyon ng televiewers. Sa totoo lang, hindi ko po ninais na mag-akusa kaninuman nang may malisya at naging tapat lang ako sa aking pinaniniwalaan. Mabuti na lang at natapos kaagad ang lahat. At kahit pa may negative write-ups, pinili ko na lang ang tumahimik. Hindi po ako bagay sa ganoong kontrobersya."