Dahil nagsisimula pa lamang siya, t-shirts and tops muna ang mga inilabas na garments na yari sa cotton, spandex at lycra materials.
"Flexible ang mga t-shirts. Pwedeng casual kapag itinerno mo sa jeans and sneakers at pormal na kapag ginamitan mo ng blackslacks and heels," anang mas gumanda pang singer-actress na pinaniniwalaan ng marami na nakatagpo na ng kanyang bagong pag-ibig sa katauhan ng isang Australian commercial model na pamilyar na sa atin ang mukha sapagkat napapanood na natin sa TV pero banyaga pa sa ating pandinig ang pangalan na Brad Turvey.
Sinabi ni Pops na hindi pa ito nakikilala ng kanyang dalawang anak na lalaki."In good time, magkikita rin sila," sabi niya.
Bukod sa t-shirts, naglalabas din ang Pipay line ng mga ibat ibang accessories gaya ng mga kuwintas na madalas na isuot ni Pops sa Morning Girls. "Produkto ito ng insomnia. Gumagawa ako ng mga jewellery kapag hindi ako makatulog."
May mga bags din in various shapes and fabulous designs. Bucket type with floral prints. Classy orientals with chopsticks handles. Drawstring type na kinalolokohan ng mga babae.
Lahat nito ay mabibili sa mga Fish shops sa Robinsons Place, at Galleria. Glorietta, SM Southmall at Manila.
Inamin ni Pops na ninerbyos siya nang malaman na marami siyang makakasabay na local talents sa US. Wala palang dahilan para siya mag-aalala, marami ang nag-aabang sa kanya dun.
May gagawin muli siyang movie kasama si Cesar Montano. "Hindi pa ngayon, pagbalik niya from Australia where he is making a film. Hindi rin naman ako pwede ngayon dahil marami akong ginagawa. Naghahanda pa ako para sa isang major concert sa Ultra sa November 30, ang 2002 which is my anniversary concert," pagtatapos ni Pops.
Mayroon siyang natapos na movie para sa Star Cinema, ang Nine Mornings katambal si Piolo Pascual na nagulat siya nang nagsisimula na silang mag-shooting sapagkat dati na pala niyang kaibigan ito, kasama sa Friday edition ng Thats Entertainment.
"Never ko na inassociate na siya si PJ Pascual na nakasama ko nun who was so skinny, very tahimik when we were together. I never thought na siya rin si Piolo Pascual who is idolized by millions," ani Donita.
Isang light romance ang Nine Mornings na tungkol sa siyam na Misa de Aginaldo na dinidirihe ni Jose Javier Reyes.
Si Piolo si Gene Ynfante na naging cynical ang pananaw sa pag-ibig simula nang namatay ang gf sa isang aksidente. Pinaglalaruan lamang niya ang pag-ibig at walang mahalaga sa kanya kundi ang pera.
Si Donita si Elise, isang pre-school teacher sa isang orphanage. Katulad ni Piolo ay may masamang karanasan siya sa pag-ibig. Niloko siya ng bf niya at bigla na lang iniwan. May special student siya, si Sandy (Empress Schuck), na palaging kasama niyang nagsi-Simbang Gabi.
Dito iinog ang kanilang istorya.