Stars at super sale galore sa FWM

Super sale at variety shows galore ang tema ng Fiesta World Mall (FWM) sa Lipa City, Batangas ngayong Setyembre. Habang papalapit nang papalapit ang Pasko, inilunsad ng FWM ang isang serye ng mga ispesyal na mga sale. Mula ngayon hanggang Setyembre 30, ipapakilala ng FWM Department Store ang bago nitong produkto sa murang halaga. "FWM Diaper Sale" ang ngalan ng sale hanggang 70% off mula sa mga piling mga items ang maaaring mabili sa sale.

Magkakaroon din ng sale ang FWM’s Home Center hanggang 50% off mula sa mga piling items ang maaaring mabili. Sa Setyembre 28 (Sabado), muling magbubukas ang Fiesta Home Center. Ang mga sikat na name brands gaya ng AAA Commercial, ARDI Furniture, Bonnet Trading, Bukhara Carpet, Forty Winks, Furniture Contractor Inc., Garylyn House of Decors, Gracewood Home industries, JOHVON, Jenshyl Furniture, JBL Furniture, Mega Beddings, Nonette Home of Decors, PKSS, SANWA, Permawin, Scenic Furniture, Soler Enterprises at Spetro International ay available na ngayon sa FWM Home Center.

Nung Setyembre 14 (Sabado, 4 p.m.), sina John Lloyd Cruz at Kaye Abad, top-rating mini-series na Tabing Ilog mula sa ABS-CBN ay nagkaroon ng ispesyal na show sa FWM food court area at sa Setyembre 28 (Sabado, 4 p.m.), ang sexy actress na si Maui Taylor at ang teen star na si Sherwin Ordoñez ay mayroong ispesyal na appearance sa isang mini-show. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag lamang sa FWM sa telepono bilang (043) 757-2428.

Show comments