Piolo, interpreter sa music fest

Isa si Piolo Pascual sa napiling maging interpreter ng isa sa siyam na entries sa Himig Handog Love Songs, ang annual songwriter contest ng ABS-CBN. Nai-record na ni Piolo ang song (na-miss namin ang title) at anytime ay iso-shoot na niya ang music video na ididirek ni Tots Mariscal-Sanchez.

Tots describes the song as pang-soundtrack ng pelikula and the way Piolo interpret the song was, parang balladeer ang boses niya. Inspired si Tots na simulan ang shoot dahil he himself fell in love with the song. We heard na this week ang shoot ni Piolo ng music video. Sa susunod naming column, update namin kayo ng title ng song at kung kailan ang final night. Abangan ninyo ang launching ng music video na ipapalabas sa ASAP at madalas na ipakikita in between ABS-CBN programs.

Speaking of Piolo, all set na ang promo ng Star Cinema para sa pelikula niyang Nine Mornings with Donita Rose. Showing ito next month. Timing ang showing ng movie dahil it tackles a love story na nagsimula sa simbang gabi. E di ba, halos ilang buwan na lang Pasko na?

Ang Nine Mornings ay sinulat ni Antonio Sison at dinirek ni Jose Javier Reyes.
* * *
Kitang-kita namin ang kaligayahan kay Maoui David nang i-celebrate nito ang kanyang 15th birthday sa Laffline Music Bar noong Huwebes. It was a party given by her ever supportive parents na sina Andrei and Grace David. Kasabay ng birthday ay ang first anniversary ni Maoui sa showbiz. She was launched as part of Star Circle Batch 10 September last year.

Ilan sa mga nakisaya kay Maoui ay sina Rafael Rosell, Dennis Trillo, Alfred Vargas, Gary Lim, Nicole Yabut, Carlene Aguilar, Jeff and Frank Garcia ng Power Boys. Bukod sa mga artista, present din ang mga kasamahan ni Maoui sa Magandang Tanghali Bayan (where she is one of the regular hosts) na sina Ms. Linggit Tan at Jay Montelibano at mga taga-ABS-CBN Talent Center na sina Portia Dimla, Luz Bagalacsa, Janice Damasco, Kate Dolino, Jing Bonsol, Nhila Mallari at Jerry Telan.

Hindi nakaligtas si Maoui sa requests ng kanyang guests na mag-perform kaya nagpaunlak ito. Gandang-ganda kami sa version niya ng "Break It To Me Gently" ni Angela Bofill.

The following day, sa MTB, may celebration si Maoui. She did the opening number ng show with Nikki Valdez and Tin Arnaldo.

With Maoui getting all the right exposures she needs, mas magiging mabilis ang kanyang pagsikat, sa kabila ng mga intriga. Gusto lang naming batiin ang isa sa pinaka-sweet na baguhang artista na nakilala namin, happy birthday, Maoui!
* * *
Tulad ng marami, isa kami sa tumutok noong Biyernes ng gabi sa final telecast ng Pangako Sa ‘Yo. Hindi kami na-disappoint kung paanong winakasan ng writers ng programa ang teleserye. Mabigat man sa una, dahil sa 10-minute monologue ng major cast, maganda pa rin ang naging wakas-nanaig ang pagpapatawad at pagsisisi.

Gusto rin namin kung paanong inilahad ang naging buhay ng mga karakter pagkatapos ng lahat. Nagkatuluyan sina Angelo at Yna, ganoon din sina Amor at Eduardo. Ipinaubaya ni Amor ang lahat ng kanyang kayamanan sa mga taong naging bahagi ng kanyang buhay. Pinagbayaran ni Claudia Buenavista ang kanyang mga kasalanan sa bilangguan.

Natapos ang programa na may ngiti kami sa aming mga labi. Naniguro ang mga writers na may redeeming value ang pagtatapos ng programa.

At tulad ng marami, gusto naming malaman kung sino ang huling taong kausap ni Amor Powers sa telepono na tinawag lamang niyang ‘General’. Matutuwa kami kung isa man sa mga taga-Star Cinema ay maipapaliwanag sa amin ang kinalaman ni ‘General’ sa mga pangyayari sa Pangako Sa ‘Yo.

Show comments