Maricar/Ynez, naglips to lips!

Kung before, reluctant si Maricar de Mesa na mag-bare sa Katayan with Jomari Yllana, this time willing and ready na siyang gawin at ipakita lahat sa Bedtime Stories. "I’m physically and emotionally ready now compared before na hindi ko pa alam ang direction ng career ko," she expressed. Breast exposure lang ang ginawa niya sa Katayan na signal nang pag-join niya sa bold wagon. Pero hindi masyadong naging controversial ang first attempt niya. Second attempt niya ang Buco Pandan - walang difference sa Katayan, hanggang breast exposure rin lang. Pero na-recognize ng Young Critic Circle ang acting niya sa said movie. Pero commercial wise, hindi pa rin siya nag-succeed.

Kaya ngayon, hindi lang breast exposure ang ginawa niya. Nag-all the way na si Maricar. Three characters kasi ang pinortray niya sa Bedtime Stories - first episode sado-masochism, second episode, necrophilia and third episode, ang ecstasy.

Battered wife siya who falls for a lesbian sa first episode. May kissing scene sila ni Ynez Veneracion sa nasabing episode. "Ang hirap gawin ng scene na ‘yun, very awkward. Before the actual take, talagang nagsisigawan kami ni Ynez," she reveals. "But Ynez made it easier. Madali siyang naka-adjust kaya hindi na rin kami nahirapan sa motivation," she added. Aside from Ynez, may love scene rin sila ni Anton Bernardo sa first episode - anal sex.

Pinaka-grabe ang role niya sa second episode. Nag-make love sila ng newcomer actor na si Iras Melchor sa embalming table. "That was the hardest scene. Imagine, making love on top of an embalming table na sobrang lamig!"

Grabe rin ang lovescene nila ni Wendell Ramos sa third episode - standing position ang love making nila ng actor.

"Some people thought na madaling mag-bold. Hindi nila alam, ito na ang pinaka-hardest thing na ginagawa ng isang artista. Siguro sa iba madali lang, but in my case, mahirap talaga dahil never kong na-imagine na magbu-bold ako sa pelikula," she recalls. Kaya lang medyo naging madali ang Bedtime Stories dahil madaling kausap si Direk Maryo J. delos Reyes na for the first time ay naka-trabaho niya. "Madali siyang kausap." Besides, personal choice niya si Direk Maryo na mag-handle ng first bold picture niya. "Siya talaga ang hiningi kong director sa World Arts," she added. Si Direk Maryo ang direktor ng launching movie ni Assunta de Rossi - Red Diaries na trilogy movie rin. Pero hindi lang pure hubaran ang pelikula ayon pa kay Maricar. "Sobra ang mga eksena naman dito. In fact, four days akong na-hospital dahil one whole night kaming nag-shooting tapos may rain effect pa, so ang ending ko hospital," she informs.

Lahat ng request niya sa World Arts Cinema ni Jojo Galang binigay nila. "Madali kasing kausap si Maricar. Alam niya kung anong gusto niya right from the start. Well-educated at galing sa magandang pamilya kaya hindi kami nagkaroon ng problema. Very professional siya kaya lahat talaga ng suporta, ibinigay namin sa kanya," says Ms. Jojo Galang.

Ang award-winning scriptwriter na si Jun Lana ang nagsulat ng pelikula.

Nag-start si Maricar sa That’s Entertainment ni Kuya Germs. "When I started in the movie, ibang-iba ang sitwasyon. Ngayon iba na ang sistema ng showbiz," she said.

In the beginning, hindi favor ang family niya sa naging decision niyang mag-all the way. Pero na-justify niyang ready na siya. Besides nasa right age na siya para mag-desisyon sa sarili niya.

At any rate, also in the movie is Elizabeth Oropesa and set to kick off on October 18.
* * *
Magsi-celebrate ang RJ 100 Latest and Greatest ng first anniversary tomorrow, September 25 at Edsa Shangri-La with RJ and Friends. May cocktails ng 6:00 p.m. and 7:00-9:00 p.m ang showtime. Guest performers sa celebration ng first anniversary ng ‘latest and greatest program’ format ni RJ sina Jaya, Side A Band, Freestyle, Jose Mari Chan, Moonstar88, Malik, Nina, Hotdog, Pido and Take One and Lloyd Umali.

Regular performer sa lobby ng Edsa Shangri-La si RJ and his friends.
* * *
Salve V. Asis - psnbabytalk@hotmail.com / sva@i-next.net

Show comments