Commercial model-turned actor puwede na sa P5,000
September 23, 2002 | 12:00am
Nagsimula ang guwapong actor na ito bilang commercial model hanggang magkaroon ng pagkakataong lumabas sa telebisyon. Naging semi-regular ito sa isang soap opera. Pero dahil sa attitude problem ay unti-unti itong nawala sa teleserye. Nangulimlim bigla ang kanyang career dahil nabalitang nagda-drugs.
Ayon sa aking source ay sumasaydline na rin ito at nahahala ng mga bading sa halagang 5,000.00. Kaya lang kailangang kontakin muna ito at ibigay ang number ng hotel na pupuntahan niya.
Tunay ngang masasabi na patrona ng lokal cinema ang ating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil sa pagmamahal nito sa pelikulang Tagalog.
Sa ginawang awarding para sa mga sampung semi-finalist sa MMFFP sa pangunguna nina Fernando Poe, Jr. at Dolphy ay nagpapasalamat ang mga ito dahil sa malaking suporta at pagmamalasakit na inuukol ni GMA sa movie industry. Sa isang interbyu kay Mother Lily Monteverde, producer ng nanalong Best Quality Film, Pakisabi na Lang Mahal Ko Siya, very proud siya dahil mahal ng Pangulo ang industriya natin gayundin sina Bong Revilla, Jr., Rudy Fernandez at Charo Santos kung saan nanalo naman ang Jologs ng Star Cinema para sa buwan ng Agosto.
Sinabi pa rin ni FPJ na ipinamalas ng Pangulo ang suporta sa movie industry dahil sa pagtulong nitong masugpo ang film piracy bukod pa sa mga pagbibigay ng 50 million financial subsidy para sa film festival.
Personal na ipinagkaloob ni Pangulong Arroyo ang 100,000 cash incentives sa 10 winning scriptwriters gayundin ang P500,000 cash incentives sa Regal at Star Cinema. Bago nagwakas ang programa ay ipinagkaloob ang memoranda ng agreement with the producers ng sampung semi-finalists.
Pinagkaguluhan din si Congressman Jules Ledesma nang dumalaw sa Malacañang na nataon sa Awarding Ceremony kung saan bisita ang kanyang nobyang si Assunta de Rossi na kumatawan sa Star Cinema. Naunang dumating ang congressman na karay ang anak na lalaki. Nang tanungin siya kung nasaan si Assunta ay sinabing nauna itong umalis kasama ang kanyang anak na babae pero nauna pa siyang dumating sa Malacañang. Hinintay nito sa lobby ang nobya at nang dumating ay sabay silang humarap sa Pangulo. Sinabi rin nito na may topak sa ulo ang nagsulat na pang-showbiz lang at gimik ang ginawang pagkidnap sa kanyang mga anak. Ngayon ay may bodyguard na sila kung lumakad gayundin ang aktres.
Naging alaga rin ni Daddy Ernie dela Cruz si Tricia Roman na mainstay ng Click. Kahit may nagsasabi sa kanyang magpaseksi na ay hindi pa rin ito pumapayag. Gusto niyang ma-maintain ang wholesome image. Marami namang plano sa kanya ang Siyete kaya hindi siya nawawalan ng pag-asa.
Loveless pa rin ang young actress matapos makipaghiwalay sa kapatid ng isang sikat na aktres.
Masasabing hindi lang matagumpay sa kanyang buhay si Offie Angeles na dating beauty queen at artista kundi maaasahan din sa pagtulong sa kapwa. Isang educator at may ari ng Admiral Maritime Training Institute, hindi na mabilang ni Offie ang mga award na natatanggap nito dahil sa mga civic projects. Magtatatag na rin siya ng foundation sa pamamagitan ng kanyang proyektong Miss Little Pearl of the Orient.
Kamakailan lang ay pinarangalan siya bilang Outstanding Gaseña (Gasan, Marinduque) dahil sa rami ng naitulong sa kanilang lalawigan.
Sabi nga ni Offie, patuloy pa rin siyang tutulong sa mga kapuspalad dahil ibinabahagi lang niya ang mga biyayang natatanggap sa kanyang buhay.
Hindi nagbabago ang ganda at pangangatawan ng dating aktres dahil nagwo-work-out ito at laging on diet. Kapag may magandang offer ay pwede pa rin siyang lumabas sa pelikula.
Ayon sa aking source ay sumasaydline na rin ito at nahahala ng mga bading sa halagang 5,000.00. Kaya lang kailangang kontakin muna ito at ibigay ang number ng hotel na pupuntahan niya.
Sa ginawang awarding para sa mga sampung semi-finalist sa MMFFP sa pangunguna nina Fernando Poe, Jr. at Dolphy ay nagpapasalamat ang mga ito dahil sa malaking suporta at pagmamalasakit na inuukol ni GMA sa movie industry. Sa isang interbyu kay Mother Lily Monteverde, producer ng nanalong Best Quality Film, Pakisabi na Lang Mahal Ko Siya, very proud siya dahil mahal ng Pangulo ang industriya natin gayundin sina Bong Revilla, Jr., Rudy Fernandez at Charo Santos kung saan nanalo naman ang Jologs ng Star Cinema para sa buwan ng Agosto.
Sinabi pa rin ni FPJ na ipinamalas ng Pangulo ang suporta sa movie industry dahil sa pagtulong nitong masugpo ang film piracy bukod pa sa mga pagbibigay ng 50 million financial subsidy para sa film festival.
Personal na ipinagkaloob ni Pangulong Arroyo ang 100,000 cash incentives sa 10 winning scriptwriters gayundin ang P500,000 cash incentives sa Regal at Star Cinema. Bago nagwakas ang programa ay ipinagkaloob ang memoranda ng agreement with the producers ng sampung semi-finalists.
Loveless pa rin ang young actress matapos makipaghiwalay sa kapatid ng isang sikat na aktres.
Kamakailan lang ay pinarangalan siya bilang Outstanding Gaseña (Gasan, Marinduque) dahil sa rami ng naitulong sa kanilang lalawigan.
Sabi nga ni Offie, patuloy pa rin siyang tutulong sa mga kapuspalad dahil ibinabahagi lang niya ang mga biyayang natatanggap sa kanyang buhay.
Hindi nagbabago ang ganda at pangangatawan ng dating aktres dahil nagwo-work-out ito at laging on diet. Kapag may magandang offer ay pwede pa rin siyang lumabas sa pelikula.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended