^

PSN Showbiz

Marvin, magdi-direct na!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Totoo kaya na may pagtingin pa rin ang isang aktor sa kanyang ex-girlfriend? Matagal ng naghiwalay ng landas ang aktor at ang singer-actress sa hindi matukoy na dahilan. Sa kabila ng di magandang kinahantungan ng kanilang relasyon, naging very civil ang dalawa sa isa’t isa. Pero matapos ang hiwalayan, halata pa rin sa mga mata ng aktor ang kalungkutan kahit pa marami ang nali-link sa kanyang babae. Kitang-kitang walang glow ang mukha ng nasabing aktor at posibleng may pagtingin pa rin siya sa kanyang ex-gf na singer-actress. Kung ikukumpara ang itsura ng aktor noong mga panahon na sila pa ng singer actress, masasabing mas happy siya kesa sa mga na-link sa kanya. Iba yata talagang maituturing ang kanilang naging relasyon dahil bukod sa pagiging gf-bf ay naging best of friends sila. Naging very close din ang aktor sa pamilya ng singer-actress.

Sa isang hindi inaasahang pagkakataon ay nagkita ang aktor at ang singer-actress sa isang lugar kung saan kasama ng una ang isang TV personality. Obvious naman sa singer-actress na na-overcome na niya ang heartbreak na dulot ng nakaraang relasyon sa aktor. Naging napaka-civil ng singer-actress sa pagbati sa kanyang ex at sa kasama nitong TV personality. Walang halong bitterness ang ginawang gesture ng singer-actress dahil para sa kanya ay nakaraan na ’yon. Kung ganun ang naging relasyon ng singer-actress, sobrang na-surprise naman ang aktor sa hindi niya inaasahang sitwasyon.
* * *
Kamakailan ay aksidente naming nakita si Marvin Agustin sa 9501 Building ng ABS-CBN. Masaya niyang ibinalita na katatapos lang niyang makipag-meeting with the Himig Handog Love Song staff at matutupad na rin niya sa wakas ang kanyang long-time dream na makapag-direk ng isang music video.

Si Marvin ang napiling mag-direk ng isa sa siyam na music video na napiling entries ng nasabing pa-contest. Ang nasabing entry ay i-interpret ni Luke Mijares ng South Border. Excited si Marvin sa project na ito lalo pa’t mai-explore niya ang kanyang creativity bilang director. Bilang preparation, pinagkakaabalahan niya ang paghahanap ng babaeng talent na bagay ipareha kay Luke sa nasabing music video. Hindi pa man nauumpisahan ang paggiling ng camera ay inaabangan na ang music video ni Marvin dahil dito, malalaman kung meron nga siyang promise bilang isang director.

Sa break na ito ni Marvin, marahil ay magiging stepping stone niya ito para makapag-direk ng movie in the future. Well, possible naman dahil hindi naman lingid sa atin na halos lahat ng mga magagaling na directors ng ABS-CBN ay nag-umpisa rin sa paggawa ng music video.

Speaking of Marvin, naging overwhelming ang response ng mga televiewers sa una nitong episode sa Tabing-Ilog. Marami ang nakapansin na may chemistry sila ni Kaye Abad. Isang dahilan kung bakit lalong kaabang-abang ang nasabing Sunday program.
* * *
Sa darating ng September 22, magsi-celebrate ng kanyang 23rd birthday si Jericho Rosales. Tulad ng mga nakaraang b-day bash ni Echo, tiyak na magiging masaya na naman ang nasabing party. Inaasahang dadagsain ng mga close friends ang Wasabe Bar sa Makati City. Siguradong present sa nasabing event ang kanyang ASAP family, Star Cinema family, Pangako Sa ’Yo family at Talent Center family.

Abala sa pag-prepare ng nasabing okasyon ang kanyang Lee USA family sa pangunguna ni Ms. Kristine Say-Uy na for the past years ay very supportive kay Echo. Bago pa man tumulak ang Hunks sa Dubai para sa isang show, sinisiguro ni Allan Real, Echo’s Artist Representative, na magiging maayos ang lahat para sa nalalapit na birthday celebration.

Paumanhin lang po, strictly by invitation po ang nasabing okasyon sa mga kapamilya at kaibigan ng aktor.

ACTRESS

AKTOR

ALLAN REAL

ISANG

KANYANG

MARVIN

NASABING

SINGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with