Enjoy sa kanyang bagong negosyo si
Judy Ann Santos ang
Kaffe Karrabana at
Anonymous. Kapag tapos na ng syuting o taping ay nagtutungo siya sa kanyang restaurant at ipinagluluto ang kanyang mga customer. Sumasama rin siya sa kanyang ina sa pamamalengke sa Farmers Market. Naroon na sila ng alas 5:00 n.u. at nakikipagtawaran na sa mga tindera. Hindi makapaniwala ang mga tindera dun na ang kaharap nilang namimili at nakikipagtawaran sa kanila ay ang paborito nilang artista.
Kasalukuyang nasa Amerika si Juday for a series of shows sa Hawaii at Los Angeles kasama sina
Paolo Contis at
John Lapuz. Dapat ay bakasyon lang siya rito pero naging trabaho na ito dahil ayon sa aktres ay kailangan niyang magtrabaho para mabayaran ang ibang pagkakautang. May ginagawa silang pelikula ni
Robin Padilla titled
Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang under
Viva Films.
Hindi na itinuloy ang
Mano Po ng
Regal Films para sa
Metro Manila Film Festival Philippines.
Assunta, Nagbigay Ng Pera Sa Ama |
Maganda naman pala ang dahilan kung bakit hindi nakadalo sa
Toronto International Film Festival si
Assunta de Rossi. Siya kasi ang magpapamasahe sa sarili patungo roon. Sa halip na gastusin ang pera para sa ticket ay minabuti na lang nilang dalawa ni
Congressman Jules Ledesma na ibigay ang pera sa amang nasa Italya. Alam nitong matutuwa ang kanyang ama gayundin ang ina niyang bumibisita dun sa kasalukuyan sa asawa at iba pang anak.
Baka magkasundo na rin sina Assunta at
Alessandra dahil guest ang huli sa
Beh, Bote Nga.
Patricia, Mahal Pa Rin Si Marc |
Hindi itinatanggi ni
Patricia Javier na minahal niya nang husto ang dating nobyong si
Marc Nelson. Katunayan, hanggang ngayon ay nanatili pa rin ang pagiging mabuti nilang magkaibigan. "Mahirap malimutan ang "First Love" dahil marami kaming magagandang memories lalo na noong bago pa lang kaming magkarelasyon. Wala pa kaming sasakyan noon at kumakain lang sa mumurahing restoran. Pero ngayong can afford na akong kumain sa mga first class na hotel at may sasakyan na ay saka naman wala na sa aking tabi si Marc," aniya.
Umaasa si Patricia na magkakabalikan silang dalawa balang araw dahil compatible sila sa maraming bagay.
Amalia, May Puso Para Sa Homeless Children |
Saludo si
Amalia Fuentes sa anak na si
Liezl dahil pinangatawanan nito ang pagiging isang mabuting ina at asawa ng kanyang pamilya. Nasa stage ng pagdadalaga at pagbibinatilyo ang anak nila ni
Albert Martinez kaya nakatutok ito para tiyaking hindi sila maliligaw ng landas. Lumaking mababait na bata ang mga apo ng dating movie queen dahil nagsilbing magandang halimbawa si Liezl sa kanyang mga anak.
Bilang isang artista ay wala nang mahihiling pa si Amalia.
"Kuntento na ako sa aking buhay ngayon. Im at peace at wala na siguro akong mahihiling pa. Kung akoy mamamatay gusto kong ibahagi ang iba kong biyaya sa mga homeless children. Naaawa ako sa kanila at lubha silang malapit sa aking puso," sey ng maganda pa ring aktres.