Dalaga na si Jolina, at in love!
September 19, 2002 | 12:00am
Hindi ko pa nakita si Jolina Magdangal na ganun kaganda. At kung tutuusin ay may sakit pa siya ng gabing yun. Kaya nga medyo late siyang dumating sa auditorium ng Abelardos Hall ng UP sa Diliman na kung saan ay ilulunsad ng Star Records ang kanyang album na "Jolina Sings The Masters", isang koleksyon ng mga magagandang awitin na nilikha ng most-seasoned composers ng bansa. Dun ni Jolina naipasya na idaos ang kanyang launching sa dahilang marami sa ating mga magagaling na musikero ay nagtapos sa pamantasang ito.
"Matagal na pinaghandaan ang launching na ito kaya dapat matuloy ito kahit pa maysakit ako," bungad niya sa mga dumalo sa nasabing affair. "Kagagaling ko lamang sa doktor dahil nilagnat ako. May sugat pala ang lalamunan ko at nagdurugo ito. I was adviced na ipahinga ito. Huwag din daw akong magsalita pero, anong magagawa ko, the show must go on," dagdag pa niya.
Sa lobby ng auditorium, naka-display ang mga kasuotan na ginamit ni Jolina sa pictorial ng "Jolina Sings The Masters". The album comes in a special box na nagtataglay ng facial shot ni Jolina na kuha ni Tom Epperson. Sa loob, makikita ang maraming larawan niya na suot ang mga damit na naka-display sa labas na ginawa nina Katrina Goulbourn, Dita Sandico-Ong, Pia Regala-Hebron, Richard Papa, Tippi Ocampo at Michi Calica-Sotto. Konsepto nina Jolina at ng kanyang ama at business manager na si Jun Magdangal ang cover samantalang ang packaging ay ideya ni Raymund del Rosario na siya ring tumayong art director. Si Joel Serrano ang gumawa ng design at layout.
Ibang-iba ang imahe ni Jolina sa bago niyang album, dalagang-dalaga na at kahit na may karamdaman ay nagniningning ang mga mata sa kasiyahan.
"Masaya ako, inspired at in love," amin niya bagaman at ayaw pa niyang ilantad ang katauhan ng lalaking nagbibigay sa kanya ng malabis na kaligayahan. "Huwag muna, hindi siya taga-showbiz," ang tanging clue na nasambit ng kanyang paos na tinig. "I hope you didnt mind kung nag-lip synch ako. Wala akong choice, kailangan lang talagang matuloy ito," dagdag na paghingi niya ng paumanhin.
Eight months in the making ang album. Dahil marami siyang naging tours. Hinintay din ang mga ginawang komposisyon ng ilang mga contributors sa album, gaya nina David Pomeranz ("Teach Me To Fly", "How Will I Know") at Jose Mari Chan ("What Is A Sweetheart").
May isang song sa album na si Jolina mismo ang nagbigay ng concept at ipina-execute na lamang niya kay Trina Belamide, ang "No Letting Go". Inamin niyang personal experience niya ito. Pero, favorite ko rin ang "Million Miles Away," imporma niya.
Malungkot si Jolina dahil baka last recording na niya ito sa Star Records. "Sana hindi pa, pero, kung sakali man, wala akong magagawa," sabi niyang may bahid kalungkutan.
Ilan sa mga nagbigay ng kanta sa album ni Jolina ay sina Ryan Cayabyab ("Kahit Ikay Panaginip Lamang"), Danny Tan/Gary Granada ("Ang Tangi Kong Minahal"), Willy Cruz ("Iyong-Iyo Pa Rin"/"Sanay Maghintay Ang Walang Hanggan"), George Canseco ("Paano Kita Mapasasalamatan") Vehnee Saturno ("Akoy Umiibig"/"Langit Ang Ibigin Ka"), Freddie Saturno ("Higit Ba Siya Sa Akin") at Freddie Aguilar (Bulung-Bulungan")..
Bagaman at hindi kami nakadalo sa Linggo ng Bulacan na naganap nung Setyembre 8-15 na madalas naming gawin taun-taon ng ilang mga entertainment writers, sa paanyaya na rin ni Governor Jose dela Cruz, naging isang malaking tagumpay ang pagdiriwang ngayon na ang naging sentro ay kakayahan at galing ng Bulakenyo.
Tulad ng paggunita ng Edsa Revolution, hindi dapat mabura sa isipan ng kasalukuyang henerasyon ang dakilang pangyayari sa Malolos dahil ito ang naging susi ng tinatamasa nating kalayaan ngayon.
Ilan sa mga naging pangunahing events sa isang linggong selebrasyon ay skills competition, sports competition, alay lakad, cheering competition, dancing and beauty contests, business conference, gawad dangal ng lipi at marami pa.
"Matagal na pinaghandaan ang launching na ito kaya dapat matuloy ito kahit pa maysakit ako," bungad niya sa mga dumalo sa nasabing affair. "Kagagaling ko lamang sa doktor dahil nilagnat ako. May sugat pala ang lalamunan ko at nagdurugo ito. I was adviced na ipahinga ito. Huwag din daw akong magsalita pero, anong magagawa ko, the show must go on," dagdag pa niya.
Sa lobby ng auditorium, naka-display ang mga kasuotan na ginamit ni Jolina sa pictorial ng "Jolina Sings The Masters". The album comes in a special box na nagtataglay ng facial shot ni Jolina na kuha ni Tom Epperson. Sa loob, makikita ang maraming larawan niya na suot ang mga damit na naka-display sa labas na ginawa nina Katrina Goulbourn, Dita Sandico-Ong, Pia Regala-Hebron, Richard Papa, Tippi Ocampo at Michi Calica-Sotto. Konsepto nina Jolina at ng kanyang ama at business manager na si Jun Magdangal ang cover samantalang ang packaging ay ideya ni Raymund del Rosario na siya ring tumayong art director. Si Joel Serrano ang gumawa ng design at layout.
Ibang-iba ang imahe ni Jolina sa bago niyang album, dalagang-dalaga na at kahit na may karamdaman ay nagniningning ang mga mata sa kasiyahan.
"Masaya ako, inspired at in love," amin niya bagaman at ayaw pa niyang ilantad ang katauhan ng lalaking nagbibigay sa kanya ng malabis na kaligayahan. "Huwag muna, hindi siya taga-showbiz," ang tanging clue na nasambit ng kanyang paos na tinig. "I hope you didnt mind kung nag-lip synch ako. Wala akong choice, kailangan lang talagang matuloy ito," dagdag na paghingi niya ng paumanhin.
Eight months in the making ang album. Dahil marami siyang naging tours. Hinintay din ang mga ginawang komposisyon ng ilang mga contributors sa album, gaya nina David Pomeranz ("Teach Me To Fly", "How Will I Know") at Jose Mari Chan ("What Is A Sweetheart").
May isang song sa album na si Jolina mismo ang nagbigay ng concept at ipina-execute na lamang niya kay Trina Belamide, ang "No Letting Go". Inamin niyang personal experience niya ito. Pero, favorite ko rin ang "Million Miles Away," imporma niya.
Malungkot si Jolina dahil baka last recording na niya ito sa Star Records. "Sana hindi pa, pero, kung sakali man, wala akong magagawa," sabi niyang may bahid kalungkutan.
Ilan sa mga nagbigay ng kanta sa album ni Jolina ay sina Ryan Cayabyab ("Kahit Ikay Panaginip Lamang"), Danny Tan/Gary Granada ("Ang Tangi Kong Minahal"), Willy Cruz ("Iyong-Iyo Pa Rin"/"Sanay Maghintay Ang Walang Hanggan"), George Canseco ("Paano Kita Mapasasalamatan") Vehnee Saturno ("Akoy Umiibig"/"Langit Ang Ibigin Ka"), Freddie Saturno ("Higit Ba Siya Sa Akin") at Freddie Aguilar (Bulung-Bulungan")..
Tulad ng paggunita ng Edsa Revolution, hindi dapat mabura sa isipan ng kasalukuyang henerasyon ang dakilang pangyayari sa Malolos dahil ito ang naging susi ng tinatamasa nating kalayaan ngayon.
Ilan sa mga naging pangunahing events sa isang linggong selebrasyon ay skills competition, sports competition, alay lakad, cheering competition, dancing and beauty contests, business conference, gawad dangal ng lipi at marami pa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am