Kuryente ang isyung Camille/Jordan

Wala sanang planong mag-celebrate ng kanyang birthday si Wenn Deramas dahil sa sobrang kaabalahan pero wala siyang choice kundi mag-last minute call sa kanyang mga kaibigan para makisaya sa kanya. It was Ms. Mae Santos (executive producer ng Sa Dulo Ng Walang Hanggan) na nag-organize ng party na ginanap sa clubhouse ng Victoria Subdivision (where Direk Wenn resides) noong Sunday.

Kitang-kita namin ang kaligayahan sa mukha ng kaibigan naming direktor sa pagdating ng mga bisita niyang artista. Present din ang ABS-CBN big boss na si Ms.Cory Vidanes kasama ang asawa nitong si Direk Bobet Vidanes, Lauren Dyogi, Manny Morfe at ilan pa. Present ang mga kaibigan din ni Direk Wenn sa ABS-CBN na sina Deo Endrinal, Biboy Arboleda, Roxy Liquigan, JD Ching, Emilio Paul Siojo, Ace Hernandez, young TV directors Andoy Ranay, Erick Salud, Jojo Saguin and Don Cuaresma. Kasama ni Direk Wenn sa pag-aasikaso ng bisita ang kanyang butihing ina at mga kapatid.
* * *
Hindi makapaniwala si Baron Geisler sa maiinit na reception na ibinigay sa kanya ng mga taga-Laoag City noong Sabado in line with Harvard USA’s provincial visit. First leg pa lang yun at halos maiyak ang Tabing Ilog star. Medyo nag-create ng ingay sa said city nang malaman nilang paparating si Baron. Very popular pala si Baron sa Laoag City dahil nga sa mga shows niyang Tabing Ilog at Recuerdo de Amor. Superstar treatment talaga ang ibinigay kay Baron ng mga taga- Laoag, bagay na ikinatuwa niya. Si Baron pa naman kapag nakikita niyang naa-appreciate siya ng tao, talagang bigay todo. At take note, hanggang Laoag ay mainit pa ring pinag-uusapan ang nakakaintrigang role ni Baron sa Jologs.

Nagkagulo sa 5 Sisters Department Store dahil bukod sa event, nagsi-celebrate din ito ng 25th anniversary. Naroroon din ang Harvard USA outlet kung saan image model si Baron.

Dahil sa mainit na pagtanggap kay Baron, excited na ito ngayon sa ilan pang series of provincial shows. Part kasi ng kontrata ni Baron bilang image model ng Harvard USA ay i-tour ang lahat ng outlets nito sa buong bansa.

Gusto ni Baron pasalamatan ang mga Harvard USA owners na sina Richard and Carol Chuateco sa ibinibigay sa kanyang suporta nito. Pati na si Elmer Pascual at ang naging mababait na hosts nila na sina Mrs. Lily Luis and children Clem, Mike and Manny.
* * *
Ka-cheapan yung mga lumalabas na balitang boyfriend na ni Camille Prats itong si Jordan Herrera ng Power Boys. Sumumpa sa amin ang mabait na teen actress na walang katotohanan ang nasusulat. Aminado siya na loveless siya ngayon pero wala raw siyang plano na pumasok sa isang relationship. Hindi alam ni Camille kung saan nagmula ang tsismis sa kanila ni Jordan at wala siyang maisip na rason para siya i-link sa newcomer.

"Swear, Tito Eric, hindi totoo yun!" sabi sa amin ni Camille. "Ayoko munang magpaligaw ngayon. Basta ayokong mag-entertain ng guys. Siguro nice lang ako pero hindi talaga totoo na nanliligaw siya sa akin. I have not even worked with him kahit sa TV."

Dapat lang sigurong tapusin na ang isyung Camille at Jordan dahil malinaw na kuryente ito. At siguro naman, sa nalaman ni Camille na sitwasyon sa buhay ni Jordan, malabo talagang magpaligaw or maging boyfriend niya ito.

Imposibleng mag-entertain ng manliligaw ngayon si Camille. Marami siyang pinagkakaabalahan ngayon. Bukod sa Arriba! Arriba, may mga activities siya in line with her being spokesperson ng Banco Filipino Happy Savers Club. She recently signed up with Secosana Ten Bags as the new celebrity endorser.

Show comments