Glydel may new single

Masayang ibinabalita ng Harmony Music, ang OPM label ng Alpha Records ang pag-release ng mga bagong singles ng kanilang mga contract artists na sina Glydel Mercado, Aegis, Retrospect, Ronald Navarro at Pariente.

Ang torch singer ng masa na kilala bilang Aegis ay naging nationalistic sa pag-awit ng "Ang Pagbabalik", ang carrier single ng kanilang soon-to-be-released album "Ating Balikan".

Ang retro-pop icon na Retrospect ay nag-disco sa "The Luv Bug", mula sa kanilang latest album na may parehong titulo.

Ang sultry singer na si Glydel Mercado ay naging sentimental sa pagkanta ng "Pa’no Naman Kaya Ako?", isang love ballad patungkol sa pagkabigo sa pag-ibig na hango sa kanyang self-titled debut album.

Ang upcoming balladeer na si Ronald Navarro ay may bagong single na may pamagat na "Isang Ngiti Mo Lang", isang mushy love song na tungkol sa unrequited love.

Ang newest sensation ng rap world na Pariente ay umawit ng "Crazzzy", isang cute rap song na tungkol sa broken relationship ay napapaloob sa kanilang debut album.

Show comments