May nakapagbulong sa akin tungkol sa bisyo ng magandang young actress. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin pala ito sa pagtungga ng alak at kung minsan dahil sa rami ng nainom ay nahirapan itong huminga kaya natitensyon ang kaibigang aktres. Minsan daw ay dinala ito sa kaibigang doktor sa pag-aakalang baka may sakit ito sa puso. Yon pala ay kailangan lang na mahimasmasan dahil sa kalasingan.
Ang aktres ay patuloy na namamayagpag sa telebisyon at pelikula dahil magaling itong artista.
Gob. Bong, Apektado Ang Sex Life |
Maraming nakapuna kay
Bong Revilla Jr. sa presscon ng
Idol Ko Si Kap na higit itong bumata at mas gumwapo ngayon. Nagbiro tuloy ito na dahil sa rami ng pinagkakaabalahang trabaho ay apektado na ang kanyang sex life. Halos wala na rin siyang time para sa pamilya at sinabing mabuti na lang at nauunawaan siya ng kanyang kabiyak at mga anak.
Bukod sa
Idol Ko Si Kap, ginagawa pa rin niya ang pelikulang
Agimat ni Lolo kung saan tatlong karakter ang ginagampanan niya. Ito bale ang entry ng kanilang produksyon sa darating na
MMFFP. Higit sa lahat, malaking tungkulin ang nakaatang sa kanyang balikat bilang chairman ng
VRB para sugpuin ang piracy. Dalawang buwan na nitong ginagawa ang operasyon kung saan nag-raid na sila sa Meycauayan, Valenzuela at Quiapo. "Hindi ito gawang biro dahil dayuhang sindikato ang kalaban ko na siyang pinuno ng illegal na gawaing ito. Im risking my life pero okey lang alang-alang sa bayan," aniya.
Aubrey, Another Ara Mina In The Making |
Iba ang ganda ni
Aubrey Miles. Class ang beauty, ika nga na nakakahalintulad kay
Ara Mina na hindi tipong bastusin. Katunayan nang makita namin ang trailer ng
Prosti ay maraming humanga sa kanya. Naniniwala kami na tama ang plano ng
Regal Films na pasikatin ito at baka magtagumpay din gaya ng kanilang contract star na si Ara Mina na naging pambato ng kompanya pagdating sa sexy movies.
Sanay na ito sa mga sexy pictorials dahil ilang beses nang sumali sa mga beauty contest, maliitan man o malakihan. Naging runner-up ito ng Well Come beauty search na naging daan para pumasok na rin sa bold wagon.
Gob. Lito, Inakyat Ang Kabundukan Ng Romblon |
Higit na napatunayan ng mga taga-
MMG Films ang pagmamahal ni
Lito Lapid sa maliliit na tao ng industriya. Pansamantalang natigil ang syuting ng
Lapu-Lapu kaya nagkaroon ng pagkakataon ang action star na gawin ang
Agila ng Bundok under
MMG Films. Ayon sa publicist ay tumangging mag-plane ang gobernador at mas piniling sumakay ng barkong Virgin Mary para makasabay ang staff & crew ng kompanya. Bale second directorial job ito ni
Engr. Ervin Mateo at partner ni
Direk Roland Ledesma sa pagdidirihe ng mga action scenes sa pelikula.
Pagdating ni Lito sa Romblon ay inakyat nito ang kabundukan doon at hanga naman ang mga production staff sa kabaitan nito pati na si Engr. Mateo at Direk Ledesma. Kaya nangako naman ang
MMG Films na gagastusan nilang talaga ang proyekto para mapaganda itong lalo.