Patuloy ang paglalasing ng young actress
September 17, 2002 | 12:00am
May nakapagbulong sa akin tungkol sa bisyo ng magandang young actress. Hanggang ngayon ay patuloy pa rin pala ito sa pagtungga ng alak at kung minsan dahil sa rami ng nainom ay nahirapan itong huminga kaya natitensyon ang kaibigang aktres. Minsan daw ay dinala ito sa kaibigang doktor sa pag-aakalang baka may sakit ito sa puso. Yon pala ay kailangan lang na mahimasmasan dahil sa kalasingan.
Ang aktres ay patuloy na namamayagpag sa telebisyon at pelikula dahil magaling itong artista.
Maraming nakapuna kay Bong Revilla Jr. sa presscon ng Idol Ko Si Kap na higit itong bumata at mas gumwapo ngayon. Nagbiro tuloy ito na dahil sa rami ng pinagkakaabalahang trabaho ay apektado na ang kanyang sex life. Halos wala na rin siyang time para sa pamilya at sinabing mabuti na lang at nauunawaan siya ng kanyang kabiyak at mga anak.
Bukod sa Idol Ko Si Kap, ginagawa pa rin niya ang pelikulang Agimat ni Lolo kung saan tatlong karakter ang ginagampanan niya. Ito bale ang entry ng kanilang produksyon sa darating na MMFFP.
Higit sa lahat, malaking tungkulin ang nakaatang sa kanyang balikat bilang chairman ng VRB para sugpuin ang piracy. Dalawang buwan na nitong ginagawa ang operasyon kung saan nag-raid na sila sa Meycauayan, Valenzuela at Quiapo. "Hindi ito gawang biro dahil dayuhang sindikato ang kalaban ko na siyang pinuno ng illegal na gawaing ito. Im risking my life pero okey lang alang-alang sa bayan," aniya.
Iba ang ganda ni Aubrey Miles. Class ang beauty, ika nga na nakakahalintulad kay Ara Mina na hindi tipong bastusin. Katunayan nang makita namin ang trailer ng Prosti ay maraming humanga sa kanya. Naniniwala kami na tama ang plano ng Regal Films na pasikatin ito at baka magtagumpay din gaya ng kanilang contract star na si Ara Mina na naging pambato ng kompanya pagdating sa sexy movies.
Sanay na ito sa mga sexy pictorials dahil ilang beses nang sumali sa mga beauty contest, maliitan man o malakihan. Naging runner-up ito ng Well Come beauty search na naging daan para pumasok na rin sa bold wagon.
Higit na napatunayan ng mga taga-MMG Films ang pagmamahal ni Lito Lapid sa maliliit na tao ng industriya. Pansamantalang natigil ang syuting ng Lapu-Lapu kaya nagkaroon ng pagkakataon ang action star na gawin ang Agila ng Bundok under MMG Films. Ayon sa publicist ay tumangging mag-plane ang gobernador at mas piniling sumakay ng barkong Virgin Mary para makasabay ang staff & crew ng kompanya. Bale second directorial job ito ni Engr. Ervin Mateo at partner ni Direk Roland Ledesma sa pagdidirihe ng mga action scenes sa pelikula.
Pagdating ni Lito sa Romblon ay inakyat nito ang kabundukan doon at hanga naman ang mga production staff sa kabaitan nito pati na si Engr. Mateo at Direk Ledesma. Kaya nangako naman ang MMG Films na gagastusan nilang talaga ang proyekto para mapaganda itong lalo.
Ang aktres ay patuloy na namamayagpag sa telebisyon at pelikula dahil magaling itong artista.
Bukod sa Idol Ko Si Kap, ginagawa pa rin niya ang pelikulang Agimat ni Lolo kung saan tatlong karakter ang ginagampanan niya. Ito bale ang entry ng kanilang produksyon sa darating na MMFFP.
Higit sa lahat, malaking tungkulin ang nakaatang sa kanyang balikat bilang chairman ng VRB para sugpuin ang piracy. Dalawang buwan na nitong ginagawa ang operasyon kung saan nag-raid na sila sa Meycauayan, Valenzuela at Quiapo. "Hindi ito gawang biro dahil dayuhang sindikato ang kalaban ko na siyang pinuno ng illegal na gawaing ito. Im risking my life pero okey lang alang-alang sa bayan," aniya.
Sanay na ito sa mga sexy pictorials dahil ilang beses nang sumali sa mga beauty contest, maliitan man o malakihan. Naging runner-up ito ng Well Come beauty search na naging daan para pumasok na rin sa bold wagon.
Pagdating ni Lito sa Romblon ay inakyat nito ang kabundukan doon at hanga naman ang mga production staff sa kabaitan nito pati na si Engr. Mateo at Direk Ledesma. Kaya nangako naman ang MMG Films na gagastusan nilang talaga ang proyekto para mapaganda itong lalo.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am
November 30, 2024 - 12:00am
November 26, 2024 - 12:00am