Itinanggi niya na may nagaganap na hidwaan na dulot ng inggit sa dalawang artista. "Wala akong nakikita o nararamdaman," ang maagap na tugon ni Direk Yam. "Pero, sakali mang meron, hindi ko na daragdagan pa sa pamamagitan ng pagpapakita ng favoritism sa isa sa kanila.
"Kapag nasa set kami at kasama ko silang dalawa, nagpu-protocol ako, sa halip na tawagin ko sila sa kanilang mga pangalan, tinatawag ko sila ng "girls".
"Pero kung ang pagbabasehan ay ang kwento, mas malaki ang exposure ni Rica, mga 65% kumpara kay Maui. Pero, magkasing-lalim at haba ng kanilang mga lovescenes," dagdag pa ng mahusay na direktor na nakatakdang gawin ang pelikulang balik- tambalan nina Regine at Christopher de Leon.
"Ibang-iba talaga ang tunog ng dekadang ito kaya akala ng mga bagets na ang maraming awitin na napapakinggan nila ngayon ay mga bago, nagugulat na lamang sila kapag nalaman nila na revivals ang mga ito," ani Eugene Villaluz, isa sa mga stars ng concert at kasama ni Ding Mercado na bumuo ng konsepto ng 70s 2Day. Sila ring dalawa ay bumubuo ng The Nerve of ERV.
Itinatampok sa konsyerto ang natatanging kumbinasyon ng mga performer na sumikat nung mga panahong yun, anim na magagaling na mang-aawit na nagmula sa dalawang sikat na grupoang The New Minstrels at Circus Band. Sina Eugene, Louie Reyes at Ding ng The New Minstrels at sina Hajji Alejandro, Pat Castillo at Tillie Moreno ng Circus Band. Sina Tillie at Louie ay talagang umuwi pa mula Chicago (Tillie) at LA (Louie) para lamang makasama sa konsyerto. Dun na namimirmihan ang dalawa. Ang anim ay matagumpay na nakakawala sa kanilang mga respective groups at naging matagumpay bilang solo artists. Unang pagkakataon nila ito na magkasama-sama sa isang stage.
Ang 70s 2Day ay nasa direksyon ni Leo Rialp. Musical director si Mel Villena na siyang pumili ng magiging repertoire ng anim, mga famous duet songs ("Umagang Kay Ganda", "I Dont Love You Anymore"), dance favorites ("Mr. Melody", "Sir Duke"), at mga hits na pinasikat ng anim gaya ng "Saan Ako Nagkamali" ni Tillie, "Gulong ng Palad" ni Eugene, "See You There" ni Ding, "Nakapagtataka" ni Hajji, "Ikaw, Ako, Tayo Magkakapatid" nina Louie at Eugene at current hits like "Forevermore" at "Pagdating Ng Panahon".
The stars of the show will wear clothes designed by Lito Perez of Camp Suki at Frederick Peralta. Para sa tiket, tumawag sa 8915610 at 8187343, 8191885.