Hanggang may niligawang non-showbiz bagets ang young actor na lingid sa kaalaman ng manager. Kaso, mapagbiro ang tadhana dahil di sinasadyang nagkita ang talent at manager sa isang sikat na restoran kung saan kasama ng kanyang alaga ang nobya. Kitang-kita ng manager kung gaano ka-sweet ang dalawa. Nagtatalak ang manager sa kanyang alaga at di inalintana ang ibang taong kumakain doon.
Mabilis gumawa ng pangalan ang young actor na ito dahil guwapo. Una siyang nakilala sa komersyal.
Ang pinirmahang deed of donation with the producers ay sasaksihan ni Pangulong Gloria Macapagal at ipagkakaloob din ang cash incentives na 500,000 para sa mga nanalong best quality films. Kabilang dito ang pelikulang Pakisabi Na Lang... Mahal Ko Siya ng Regal Films para sa buwan ng Hulyo at Jologs para sa buwan ng Agosto.
Ayon kay Mayor Rey Malonzo, over-all vice chairman ng MMFFP 2002, mismong ang presidente ang magkakaloob ng parangal.
Sa ngayon ay prioridad muna niya ang pag-aartista.
Isa sa malaking dahilan kung bakit siya ang napiling PCS Leading Lady 2003 ay dahil hindi siya takot sa manok. Okey lang na magkaroon siya ng nobyong sabungero bastat hanggang libangan lang ito.
Pero ang talagang hilig noon ni Yam ay mag-artista at nagtatampo siya kapag may kinukuhang ibang artista sa halip na siya ang isama sa proyekto ng amang direktor. Katwiran nito ay bata siya (13 years old) at ayaw niyang masira ang kanyang pag-aaral. Dumating sa puntong hindi nakarating ang artista minsan sa syuting kaya pinilit niya ang amang isama siya sa proyekto. At doon nagsimula ang pag-aartista niya.
Ngayon ay prioridad na niya ang pagkanta at desidido rin siyang maging sikat na recording artist someday. First time niyang magkaroon ng malaking solo concert. "Biruin mo naman Tita, ang mga kakantahin ko halimbawa ay yong "All By Myself" ni Celine Dion," dagdag pa niya.
Pinamagatang Jam With Yam In Concert na idaraos sa AFP Theater, ito ang magsisilbing bonggang major concert ng singer sa direksyon ni JR Ledesma.
Masinop sa pera ang actress-singer kaya nakapagpatayo na siya ng tatlong negosyo na kinabibilangan ng parlor, internet at trading furniture home decor.