Hajji, Rey at Rico sa Music Museum concert

Tatlong malalaking artist nung dekada ’70 ang sama-samang magtatanghal sa kauna-unahang pagkakataon sa isang tatlong gabing konsyerto sa Music Museum sa Biyernes, Okt. 4, Sabado, Okt. 5 at Sabado, Okt. 19. Kabilang ang tatlo sa naglagay sa Pinoy music to great heights during the era of the Manila Sound during the 70’s.

Dating myembro ng Circus Band si Hajji Alejandro nang alukin ni Willy Cruz na mag-record ng solo. Pinasikat niya ang mga awiting "Tag-araw", "Panakip-Butas", "May Minamahal" at marami pa.

Siya rin ang nag-interpret ng "Kay Ganda Ng Ating Musika" para kay Ryan Cayabyab sa Metropop at Seoul Songfest nung 1989.

Singer-composer naman si Rey Valera na gumawa ng awitin ni Sharon Cuneta na "Pangako Sa’Yo", "Maging Sino Ka Man", "Naaalala Ka", "Sorry, Pwede Ba?", "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko".

Sumikat naman si Rico J. Puno nang tagalugin niya ang "The Way We Were" ni Barbra Streisand. Nasundan pa ito ng iba pang hits --"Kapalaran", "Damdamin", "Ganyan Pala Ang Magmahal", "Magkasuyo Buong Gabi", "Macho Gwapito" at marami pa.

Ang konsyerto ng tatlo na hatid ng Viva Concert ay una lamang sa The Greatest Hit Series, isang line-up of shows na magtatampok sa mga best songs and performers sa kasaysayan ng Philippine pop music.

Aawitin ng tatlo ang kanilang mga hits at ang hits ng mga kasama nila. Direktor si Roxanne Lapuz. Musical director si Homer Flores.

Mabibili ang tiket sa Music Museum sa halagang P1300, P1000 at P800.

Show comments