Natatawa naman si Bong sa kanyang kapareha sa TV sitcom. "Sa tagal naming magkasama sa show, close na talaga kami. Sanay pa kami kapag dumating yan sa set ng balut na balot," dagdag pa niya.
Nagdiriwang ng kanyang second anniversary ang Idol Ko Si Kap ngayong buwan ng Setyembre. Magiging panauhin nila sa isang buwang anniversary episodes sina Phillip Salvador, Miriam Quiambao at Gladys Guevara bukod pa sa mga regulars na sina Leo Martinez, Kuya Germs, Jimmy Santos, Catalina Perez, Luz Valdez at Jolo Revilla. Kasama rin si Antonio Aquitania na join na rin sa Barangay Rancho Berde.
Bago na rin ang set ng Idol Ko... Supposed to be ay nadaanan ng MRT ang dati nilang komunidad kaya ini-relocate sila.
"Bukod sa napakaganda naming set, palaging may leksyon na natutunan ang mga manonood sa show. Kung napapansin nyo, walang toilet humor ang show kaya, pwede sa mga bata.
"Kahit habang buhay ay pwede ko nang gawin ang show. Parang second family ko na ito, second home. Oo, nami-miss ko rin ang paggawa ng aksyon pero, komportable na ako sa komedi. Di na ako naninibago kahit mas mahirap sa TV kaysa sa pelikula," ani Bong.
Syempre, hindi kumpleto ang pakikipag-usap kay Bong kapag hindi nabanggit ang trabaho niya bilang chairman ng Videogram Regulatory Board.
"Nung July 6 lamang ako nagsimula ng trabaho ko rito pero bilyon na ang halaga ng mga pirated tapes and duplicating machines ang nahuhuli ko. Sabi nga ng marami, trabaho na ito para sa anim na taon. Natutuwa naman ako dahil nagagawa ko ng maganda ang trabaho kahit na lubhang mapanganib," aniya. At kahit kailangan na niya ng security hindi pa rin alintana ni Bong ang panganib na kanyang kinakaharap. "Lahat naman ng gawain ay may kaakibat na panganib. Kung palagi tayong matatakot, paano natin magagampanan ng mabuti ang ating trabaho?" tanong niya.