Kusang loob na tumulong ang ABC 5 sa pamamagitan ng pagbibigay daan upang maiabot ng milyun-milyong manonood na Pilipino ang kanilang tulong pinansiyal sa mga Sabah deportees gamit ang kanilang mga cell phones. Kasama ang mobile games provider imGAME, inilunsad ng ABC 5 ang text telethon na magkakalat ang isang daang katanungan tungkol sa mga OCW sa lahat ng imGAME members. Ang bawat reply sa text, tama man o mali, ay katumbas ng pisong mapupunta sa pondo ng "Kababayan, Sagot Kita" project.
Upang makakalap ng mas malaking partisipasyon, mamimigay ang imGAME ng dalawang (2) Nokia 3350 cell phones units sa dalawang lucky texter at isang grand prize trip to Hongkong for two sa pangatlong mapalad na texter. Malalaman ang mga nanalo sa Sabado mismo ganap na 8:00 p.m. at 11:00 p.m. na iaanunsiyo ng mga hosts sa telethon at 2:00 a.m. naman kinabukasan malalaman ang nanalo ng grand prize. Para sa libreng pagrerehistro sa imGAME, i-type ang kumpletong pangalan, tirahan, telepono, kasarian, kaarawan, at e-mail address at ipadala sa 2308 (Globe) or 208 (Smart). Maaari ring lumahok via PLDT landline, i-dial lang ang 1908-IAMJOIN gamit ang interactive voice response system o IVRS.