Slapshock, mag-iingay sa Baguio City

Nakatakdang mag-perform ang Slapshock sa Skybox bar ng Cooyesan Hotel sa Baguio City ngayon, Setyembre 13 para sa ikalawang linggo ng kanilang bar tour series. Ang bar tour ay kaugnay ng promosyon ng kanilang bagong album mula sa Virgin-EMI Records–ang "Project 11-41".

Ang Slapshock lamang ang kaisa-isang rap-metal band na matagumpay na napuno ang massive 8,000 seating capacity ng Folk Arts Theater sa Maynila sa nakaraang konsyerto nila na pinamagatang Project 11-14 Slapshock Live.

Susundan ang Baguio ng mga shows sa Tarlac (Set. 14), Music Warehouse Manila (Set. 18), Big Fella Grill and Music Bar, Better Living Parañaque (Set. 19), Latitude Bar, Zamboanga City (Set. 21), Shooters Billiard Hall, Zamboanga City (Set. 22), Music Warehouse Baliuag, Bulacan (Set. 25), COC Music Garden, Carriedo, Manila (Set. 26) at Sound Stage, Cainta (Set. 30).

Show comments