Magandang move ang ginagawang pagkaka-include ni Marvin sa Tabing Ilog dahil sa totoo lang, nami-miss na siya ng tao sa drama. His last drama stint was the 8-part Tanging Yaman, The Series.
Sa movies, finally ay nakatapos na si Marvin ng mga eksena niya sa Dekada 70 at tinatapos niya ang Tanging Ina under Star Cinema. Siya ang gumaganap na panganay na anak ng bidang si Aiai delas Alas.
Sa kabilang banda, kahit iniintriga, at least pinag-uusapan na si Maoui. Di bat yun ang gauge ng showbiz, kapag napansin at naintriga na ang isang newcomer? Well, ang importante, kahit iniintriga, Maoui remains unaffected. Buti na lang andyan ang kanyang Daddy Andrei na laging nakatutok sa kanya.
The best thing that Maoui can do is prove to everybody na she deserves her slot in MTB.
Ngayon ay malinaw nang magkakasama sila ni John Prats na madalas na ring mapanood sa programa. Tiyak na matutuwa ang mga fans sa development na ito kina John at Heart. Hindi pa namin alam kung kinukonsider din ba ng ABS-CBN i-cast na si John sa Arriba! Arriba!
Isa si Heart sa pinakaabalang artista ngayon ng ABS-CBN Talent Center. Bukod sa regular shows niyang Arriba! Arriba! at MYX, she is finishing Tanging Ina with Aiai delas Alas.