Dawn binisita ang 'TPIR' London

Last month, binisita ni Dawn Zulueta kasama ang kanyang showbiz-looking husband na si Anton Lagdameo, ang mga executives ng Fremantle (producer ng TPIR international), sa England. Doon ay pinahanga niya ang mga bosses not only with her beauty but also with the success stories she presented tungkol sa TPIR, Philippines.

Nag-enjoy ng husto si Dawn sa pagbisita sa mga UK studios at pakikipag-chikahan sa London-based staff na pinangungunahan nina Communications Manager Heather Stanley, Special Projects Head Gilly Hartley at RTL Group and Executive Producer Bob Merriless ang nangangasiwa sa lokalisasyon ng TPIR sa iba’t ibang parte ng mundo.

Nagtungo rin si Dawn sa isang live taping ng Thames TV (a UK production division of Freemantle Media), ang Open House With Gloria Hunniford.

Ngayong nasa Pilipinas na muli si Dawn, tuloy-tuloy pa rin ang kasiyahan para sa mga Pilipino sa pag-ulan ng ‘sangkatutak na papremyo gaya ng bonggang showcases, jackpot prizes at luxurious vacation trips... if the price is right. Kaya ugaliing manood ng TPIR tuwing Linggo, alas-7 ng gabi dito lang sa ABC-5, the network that gives you the best of both worlds.

Show comments