^

PSN Showbiz

Movies newest sweetheart

RATED A - Aster Amoyo -
Alam namin na hindi ordinaryong tampuhan ang namamagitan ngayon sa pagitan ng dalawang well-loved personalities sa industriya, ang lady producer na si Mother Lily Monteverde ng Regal Films at ang respetadong entertainment writer-PR practitioner at talent manager na si Manay Ethel Ramos na kung tutuusin, ang pinag-ugatan ay kaunting di pagkakaintindihan sa isang simpleng bagay.

Malalim na ang pagkakaibigan nina Mother Lily at Manay Ethel na lalong pinagtibay ng maraming taon nilang pagkakakilala. Hindi pa man nagma-manage si Manay Ethel ng talent ay nagpi-PR na siya sa maraming pelikula ng Regal. Kilalang-kilala ni Manay Ethel si Mother Lily at vice-versa. Pero minsan, dumarating ang di pagkakaunawaan even among friends nang hindi sinasadya kundi dahil na rin sa tawag ng pagkakataon at sitwasyon.

Sa case nina Mother Lily at Manay Ethel, ang simpleng di pagkakaunawaan ay naresolba sana kaagad kung hindi kaagad nagpatawag ng presscon ang lady producer. Kumbaga, na-magnify ang maliit na isyu na kung tutuusin ay kayang maayos kaagad nang silang dalawa lamang ang dapat mag-usap. Pero hindi ganun ang nangyari.

Napakinggan namin ang parehong panig. Miscommunication lang talaga ang nangyari na sa palagay namin ay pinalala lamang ng ibang tao.

Na-raise ang pagiging original Regal baby ng alaga ni Manay Ethel na si Aga Muhlach na hindi naman talaga nagsimula sa Regal kundi sa Viva Films sa pamamagitan ng pelikulang Bagets. Pero never na kinuwestyon ni Manay Ethel ang pagiging Regal baby ni Aga dahil mas marami ang ginawa nitong pelikula sa Regal kumpara sa Viva kahit dito siya nagsimula. Pero sa ganang amin, anuman ang pinag-ugatan nang hindi pagkakaunawaan ngayon nina Mother Lily at Manay Ethel, sana’y maayos ito kaagad.
* * *
Marami ang humanga sa pagiging honest at prangka ng bagong sexy actress na si Aubrey Miles na nakatakdang i-launch ng Regal Films sa pelikulang Prosti na dinirek ni Erik Matti.

Inamin ng 20-year-old actress na ipinagkaloob na niya ang kanyang virginity sa kanyang second boyfriend na kahit hiwalay na sila ay hindi naman niya pinagsisisihan dahil minahal umano niya ang guy.

Sa pelikulang Prosti, aminado si Aubrey na meron siyang breast exposure at mga steamy scenes with Jay Manalo.

Bago nagpasyang magpa-sexy si Aubrey, siya’y sumali sa iba’t ibang local beauty contest sa kanilang lugar. Naging bahagi rin siya ng Bestfrends at Beh, Bote Nga at nakagawa rin siya ng isang commercial. Pero aminado ang dalaga na hindi umusad ang kanyang career hanggang sa magpasya nga siyang magpaka-daring sa pelikula.
* * *
Tanggap ng young star na si Tanya Garcia na may mga taong gusto siyang hilain pababa pero sa halip na magalit, ipinagdarasal na lang niya ang mga ito. Alam ng young actress na hindi niya mawi-win ang lahat gaano man ang kanyang pagsisikap, pero sa halip na ma-depress, pinagtutuunan na lamang niya ng pansin ang kanyang trabaho.

Super busy ngayon ang dalaga dahil bukod sa tatlong beses siyang nagti-taping para sa kanyang top-rating teleserye na Sana ay Ikaw na Nga with Dingdong Dantes sa GMA-7, tinatapos niya rin ang pelikulang Bakit Ngayon Ka Lang na tinatampukan nina Robin Padilla at Judy Ann Santos sa bakuran ng Viva Films.

Ayon kay Tanya, may mga pagkakataon pa nga na halos wala pa siyang tulog galing sa shooting, pero may taping siya kinabukasan na kailangan niyang harapin.

"I’m not complaining. Natutuwa pa nga ako na marami akong trabaho ngayon," aniya.

Ang pagiging hindi palakibo ni Tanya ay napapagkamalan ding suplada siya bagay na gusto niyang baguhin unti-unti.

Although paulit-ulit siyang tinatanong sa totoong relasyon nila ng kanyang kapareha sa Sana ay Ikaw na Nga, paulit-ulit din niyang sinasabi na magkaibigan lamang sila ng binata dahil hindi naman umano ito nanliligaw sa kanya.

Si Tanya ang pinakabagong sweetheart sa bakuran ng Viva Films.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ETHEL

MANAY

MANAY ETHEL

MOTHER LILY

PERO

REGAL FILMS

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with