Para sa akin ay deserving namang manalo ang nasabing pelikula dahil makabuluhan ito na tumatalakay sa buhay ng mga kabataan sa makabagong panahon. Inilalarawan ng pelikula ang ibat ibang pananaw at pilosopiya ng mga kabataan kung bakit nakagawa sila ng kasalanan. Magaling na ginampanan ni John Prats ang papel ng problemadong anak sa labas.
Praktikal sa buhay si Assunta de Rossi at gusto niyang tanggapin siya kahit ang kanyang pagkakamali ng kanyang nobyong si Dominic Ochoa. Relihiyosang miyembro ng isang fellowship si Jodi Sta. Maria na kamuntik nang magkaroon ng pre-marital sex sa bf na si Patrick Garcia dahil naniniwalang maikli lang ang buhay kaya kailangang samantalahin ito.
Higit sa lahat, may isang mahalagang aral na maibibigay ang pelikula kung saan totoo nga ang kasabihang "No Man Is An Island". Kailangan natin ang ating kapwa para makatulong na malutas ang mga suliranin natin sa buhay. Sa bawat kalungkutan ay may pag-asang matatanaw.
Magaling ang scriptwriter ng Jologs dahil napagtug-tugma nito ang ibat ibang kasaysayan sa buhay ng mga karakter sa isang senaryo. Magaling din ang direktor na si Gilbert Perez dahil maganda ang kinalabasan ng pelikula kung saan bagay ang karakter na ginampanan ng lahat ng artista na kinabibilangan nina Diether Ocampo, Patrick Garcia, Vhong Navarro, Onemig Bondoc, Dominic Ochoa, Assunta de Rossi, John Prats, Jodi Sta. Maria, Julia Clarete, Baron Geisler at Michelle Bayle.
Sinu-sino ang sexiest actors para sa magandang aktres?
"Para sa akin, malakas ang appeal nina Jay Manalo, Carlos Agassi at Richard Gomez. Crush ko talaga si Goma at kung sakaling ma-stranded ako sa isang isla ay gusto ko siyang makasama. Talagang ang sexual fantasy ko ay sa isang isla kasama ang mahal ko. Happy nga ako dahil makakatambal ko si Richard sa pelikulang Unat Huli.
Inamin din nito na hiwalay na ang kanyang ama at ina at sarili niyang desisyon ang pagbu-bold. Nangangarap din itong maging sikat na recording artist someday. "Stiff ang competition sa singing. At least konti lang kaming mga sexy stars," dagdag pa niya.
Ayon sa aking source na malapit kay Isa ay malabis itong dinamdam ni Isa. Plano niya na mag-ipon ng pera dahil next year ay dadalawin ang ina sa Spain.
Ayon pa sa aking source ay may mga dahilan kung bakit kailangang maghiwalay muna sila ngayon dahil noon pa pala ay gusto na ni Mommy Guapa na pumunta ng Spain dahil maysakit ang ina nito at kailangan din ang kanyang pag-aasikaso.
May nakakita sa dalawa nang bumaba ng hotel na sweet na sweet at magka-holding hands pa. Nagkataon naman na doon din sa nabanggit na hotel susunduin ng tourist van ang aking kaibigang reporter. Nagkubli ito para hindi mapahiya ang dalawang actor kapag nakita siya.
Noon pa man ay kinukwestyon na ang gender ng sikat na si Aktor A pero lagi niyang pinabubulaanan dahil kung kani-kanino siya nali-link na leading lady. Si Actor B naman ay mabilis na gumawa ng pangalan dahil galing ito sa pagiging commercial model.