Una, hindi pa siya nakakababa ng eroplano that will bring him home after a successful singing stint in Japan ay nakatanggap na siya ng pambabastos ng isang kapwa niya Pinoy na ayon sa mga kasamahan nito sa PAL ay talagang kilala na raw sa pagiging walang modo sa mga sumasakay ng Philippine Air Lines. Kung bakit hanggang ngayon ay naglilingkod pa siya sa kumpanya ay talagang hindi ko maintindihan. Dahil siguro hindi masyadong bihis si Von at mga kasama, mukhang haggard at hindi naka-business class ang siguro ay dahilan ng pagmamaltrato kina Von ng isang flight steward na nagngangalang Ernesto Rios. Sinigaw-sigawan sila nito, tinarayan, sa halip na tulungan sila sa kanilang mga dala-dalahan.
Ikalawa, Von will be doing his first major concert in October kundi man sa Music Museum ay sa Virgin Cafe.
Sa concert, pauusuhin ni Von ang bold sapagkat diumano ay magtatanggal siya ng damit. Von has been constantly deprived of his clothes habang kumakanta siya ng Japan. Mga female admirers ang gumagawa nito na kung minsan naman ay nag-iipit ng tip sa dalawang chopsticks at ipinapasok sa kanyang pantalon. "Minsan pa nga ay tinamaan nito ang aking "ari"," kwento niya.
Pero, never na nag-hosto sa Japan si Von. "Iba ang trabaho nila. Ako, after my performance ay nagpapakuha ako ng picture sa audience. Never akong tumaybol. Also, I sign autographs," dagdag pa niya.
May isa pang news item involving Von and a fast rising band. Sa mga ito ay tumanggap na naman siya ng pambabastos at pang-aabuso but hed rather not dwell on it.
"Tapos na ito. Hindi na ito makakatulong sa akin," paliwanag niya.
Wala pang final concept ang concert ni Von, kung hanggang saan ito magiging bold. Depende na sa makukuha niyang direktor ng show. "But it will be a different show. pag-uusapan talaga," pangako ng tumutulong sa kanya na si Lito de Guzman.
May album si Willy na inilabas ng Viva Records na nagtatampok ng isang koleksyon ng mga magagandang awitin, sarili niyang komposisyon at maging ng iba, local at foreign ay tinutugtog sa piano. Pinamagatan itong "Got To Believe" at nagtatampok sa mga piyesang "She", "Bakit Ngayon Ka Lang", "Forevermore", "There Youll Be", "Kailangan Koy Ikaw", "Kung Mawawala Ka", " Ikaw Lang Ang Mamahalin", "Can We Just Stop And Talk A While", "Warrior Is A Child", "The Prayer", "Dadalhin Kita" at ang title track.
Willy has scored over a hundred movies. Isa rin siyang composer at kilalang-kilala sa mga komposisyon niya na pinasikat ni Sharon Cuneta.
Kung tutuusin ay si Rica ang tinatarget directly ng mga intriga at pambubuska, para umalma siya at magkaroon ng isang magandang promo ang kanilang pelikula. Pero, ayaw niyang kagatin ang pain.
"Magkaibigan kami ni Maui. Wala kaming dapat pag-awayan," pauna ni Rica. "Maswerte siya at agad nag-hit ang launching movie niya. Masaya ako para sa kanya. Wala akong dapat na ika-insecure sa kanya. Yung sinasabi nila na problema sa billing, kung sino ang dapat mauna sa amin, ipinamamahala ko na ito sa Viva. Trabaho nila ito. Susunod ako sa pasya at kagustuhan nila. Ganun lang yun," pagtatapos niya.