Mga next-in-line ng ABS-CBN
September 10, 2002 | 12:00am
Isa pang Tabing Ilog boy na pinag-uusapan ngayon ay si Baron Geisler. Aba, talk of the town ang kahusayan ni Baron sa pelikulang Jologs na tumatabo pa rin sa takilya. Marami ang humanga kay Baron sa kanyang performance sa said movie. Ang sabi nga, isa si Baron sa mga dahilan kung bakit kumita ang movie.
At dahil pinag-uusapan ngayon si Baron, asahan na rin ang push na gagawin ngayon kay Baron. Wala pang malinaw pero may nakapagsabi sa amin, next in line na sila ni Paolo Contis na magku-concentrate naman sa pagiging comedy actor.
Tuwang-tuwa si Baron everytime na makakarinig ng papuri sa kanyang acting. "Noon kasi, hindi ko ma-distinguish ang acting ko. May gusto akong i-apply na style pero hindi ko alam kung may nakakapansin. Umabot pa ako sa point na hindi ko alam kung may difference ang acting ko sa Tabing Ilog at Recuerdo de Amor. At least, ngayon alam ko na may nakakapansin pala," sabi ng aktor.
Pupusta kami na manu-nominate si Baron sa awards season next year for Jologs. Isa yun sa masasabi naming best performances this year.
Na-surprise si Mylene Dizon noong Huwebes ng gabi nang bigla siyang kantahan ng birthday song ng mga kaibigan niya. Hindi yun party, isang long table ang pina-reserve ng manager niyang si Biboy Arboleda for some friends of Mylene. Hindi yun ini-expect ng aktres dahil wala siyang planong magkaroon ng party.
Knowing Biboy, mahilig sa surprises. Gusto lang nitong i-surprise ang alaga dahil sa pagiging masunurin at professional nito. Ilang taon na rin ang pagsasamahan nina Biboy at Mylene at kahit kailan ay di nagbigay ng sakit ng ulo ang aktres sa kanyang manager.
Better late than never, sabi nga. Kaya gusto naming batiin ang kumpare naming si Elmer Pascual who celebrated his birthday last September 6. Sa isang simpleng party, dumating ang mga guests ni Elmer which included Nikki Valdez, Luis Alandy, Richard and Carol Chuateco at ilan pang non-showbiz friends.
Belated happy birthday kumpare!
Dumating na ang panahon ni Patrick Garcia. Siya ang pinagtutuunan ng pansin ngayon ng ABS-CBN. Bida na si Patrick sa bagong soap opera na magsisimula sa October.
Kung tutuusin ay long overdue na itong ginagawang build up na ito kay Patrick. Naunahan pa nga siya ni John Lloyd Cruz.
"I waited and now, ibinigay na sa akin," sabi ni Patrick sa isang birthday presscon na ibinigay ng Talent Center. "Masaya ako, kasi ito rin yung time na mas focused ako and mature na talaga emotionally."
At dahil pinag-uusapan ngayon si Baron, asahan na rin ang push na gagawin ngayon kay Baron. Wala pang malinaw pero may nakapagsabi sa amin, next in line na sila ni Paolo Contis na magku-concentrate naman sa pagiging comedy actor.
Tuwang-tuwa si Baron everytime na makakarinig ng papuri sa kanyang acting. "Noon kasi, hindi ko ma-distinguish ang acting ko. May gusto akong i-apply na style pero hindi ko alam kung may nakakapansin. Umabot pa ako sa point na hindi ko alam kung may difference ang acting ko sa Tabing Ilog at Recuerdo de Amor. At least, ngayon alam ko na may nakakapansin pala," sabi ng aktor.
Pupusta kami na manu-nominate si Baron sa awards season next year for Jologs. Isa yun sa masasabi naming best performances this year.
Knowing Biboy, mahilig sa surprises. Gusto lang nitong i-surprise ang alaga dahil sa pagiging masunurin at professional nito. Ilang taon na rin ang pagsasamahan nina Biboy at Mylene at kahit kailan ay di nagbigay ng sakit ng ulo ang aktres sa kanyang manager.
Belated happy birthday kumpare!
Kung tutuusin ay long overdue na itong ginagawang build up na ito kay Patrick. Naunahan pa nga siya ni John Lloyd Cruz.
"I waited and now, ibinigay na sa akin," sabi ni Patrick sa isang birthday presscon na ibinigay ng Talent Center. "Masaya ako, kasi ito rin yung time na mas focused ako and mature na talaga emotionally."
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended