Album ni Jolina ilulunsad sa 'SOP'
September 8, 2002 | 12:00am
Nakatakdang ilunsad ng young superstar na si Jolina Magdangal ang kanyang pinakabagong album, "Jolina Sings the Masters", sa SOP ngayong tanghali.
Ang "Jolina Sings the Masters" ay maituturing na "first", di lamang sa career ni Jolina kundi pati sa local recording industry, dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay napagsama-sama ang mga master composers para mabuo ang nasabing album. Ang carrier single nitong "Kahit Di Mo Pansin" ay likha ng award-winning songwriter na si Vehnee Saturno.
Kabilang sa "Jolina Sings the Masters" ang mga awiting gawa nina Ryan Cayabyab ("Kahit Ikay Panaginip Lang"), Freddie Aguilar ("Bulung-Bulungan"), David Pomeranz ("Teach Me To Fly"), Jose Mari Chan ("What Is A Sweetheart"), Willy Cruz ("Sanay Maghintay Ang Walang Hanggan"), George Canseco ("Paano Kita Mapasasalamatan"), Freddie Saturno ("Higit Ba Siya Sa Akin") at Danny Tan ("Ang Tangi Kong Minahal") at marami pa.
Ang "Jolina Sings the Masters" ay mula sa Star Records at available na ito sa lahat ng major record store at outlet nationwide.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am