^

PSN Showbiz

Jordan napag-iiwanan na niya ang ibang Power Boys?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Noon pa man ay inaasahan na naming magkakaroon ng problema sa samahan ng Power Boys, ang grupo ng mga guwapong lalaki na nadiskubre sa pamamagitan ng pagi-endorse ng isang deodorant, dahil sa pag-angat ng isa nilang myembro.

Sa kanilang lima, nu’ng una pa man, ay kinakitaan na ng kakaibang dating at karisma si Jordan Herrera, ang pinaka-Pinoy ang itsura sa kanila.

Oo nga’t si Jordan ang sinentruhan ng mga negatibong intriga sa pagpasok pa lang nila pero hindi nakaapekto ‘yun sa mabilis na pag-angat ng career ng baguhang aktor, sa halip ay mas naging interesado pa nga sa kanya ang publiko nang magkawing-kawing ang balita tungkol sa diumano’y pakikipagrelasyon niya sa bading.

Naagaw ni Jordan ang atensiyon ng publiko, siya ang mas pinaboran ng mga kamera ng telebisyon at mas binigyan ng espasyo ng mga manunulat, samantalang ang apat na walang kaintriga-intriga ang mga personal na buhay ay napag-iwanan pa nga.

Sa pag-angat ng pangalan ni Jordan na kahit saan magpunta ang grupo ay pinagkakaguluhan at sinusundan ng mga tagahanga ay inisip na noon pa man ng mga manunulat na tiyak na magkakaroon ng problema sa kanilang samahan.

Hindi mawawala sa grupo ang inggitan, lalo na nga’t grupo silang ibinebenta, pero isa lang sa kanila ang angat na angat.

Natural lang na sa pagdaraan ng panahon ay masamain ng kanyang mga kagrupo ang senaryo, kahit pa hindi naman siya nagmakaawa sa mga tao na siya ang mas paangatin, kusang-loob ang paghangang tinatamasa niya ngayon.

Kamakailan ay nagsimula ng umalingasaw ang mga kuwento tungkol sa unti-unting pagpapakita ng negatibong reaksyon ng apat pang myembro ng Power Boys sa magandang kapalaran ni Jordan.

Maaasahan na ang mga pagdedenay, ang pagtutuwid sa mga lumalabas na kuwento, siyempre’y kokontrahin ng Power Boys ang mga ganu’ng uri ng isyung makasisira sa kanilang grupo.
* * *
May mga pagkakataong napapansin ng marami ang paggugrupo-grupo ng apat na myembro ng Power Boys na parang ihinihiwalay ng mga ito si Jordan, ang mga ito lang ang masayang nagsama-sama, iniiwan ang baguhang aktor na nakalusot agad sa unang yugto ng labanan.

Personal na naming nakausap si Jordan tungkol dun’t at ayon sa binatang-ama ay wala naman siyang napapansin na inietsapwera siya ng kanyang mga kasama sa Power Boys.

"Ang sa akin po kasi, e, grupo kami, hindi naman po kasi kami ibinebenta sa publiko nang isa-isa lang, Power Boys po ang dinadala naming pangalan.

"Kahit saan po kami makarating, basta may mga taong lumalapit sa akin, ang madalas kong sinasabi, eh, patuloy sana nilang suportahan ang Power Boys.

"Hindi ko po sinasabing salamat sa pagsuporta nila sa akin, palaging kasama ang Power Boys sa pasasalamat ko sa kanila at sa panghihingi ko ng suporta," paliwanag sa amin ni Jordan.

Wala ba naman siyang napapansin na para siyang pinagkakaisahan ng kanyang mga kasama?

"Hindi ko po binibigyan ng attention ang mga negative things, ang sa akin lang po, basta grupo kami at so far, wala naman po akong napi-feel na ganu’n," katwiran pa ni Jordan.

Siguro nga ay pinagtatakpan lang ng baguhang aktor ang kanyang mga kasama, siguro nga ay ayaw lang niyang magkaroon ng lamat ang kanilang samahan, pero alam niya at nararamdaman niya ang obserbasyon ng marami.

vuukle comment

BOYS

GRUPO

JORDAN

JORDAN HERRERA

LANG

POWER

POWER BOYS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with