Palabas na sana ang launching movie ni Lolita na Laman mula sa Regal Films. Dapat ay nung Agosto 28 ito ipinalabas sa mga sinehan pero, na-X ng MTRCB kaya na-move sa Setyembre 11.
Makikita pa rin naman ang Laman ng pinakabagong sexy star ng Regal bagaman at may mga eksenang iniklian. Other than this, mapapanood sa kanyang kabuuan ang pelikula na nagtatampok din kina Albert Martinez at Yul Servo sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.
Chinese, American at Japanese ang mga bf niya na pawang may edad na mula 55 years old pataas. "Ayaw ko ng bata. Gusto ko ng bini-beybi ako. Magaling ako kaya, hindi sila nagtatagpo," aniya pa.
Ipinakikilala si Tracy sa Tukaan ng Leo Films kasabay ni Clarissa Mercado. Star din ng movie sina Halina Perez, Lito Legaspi at Allen Dizon.
Kahit pa sabihin na moderno si Tracy at napagsasabay ang tatlong relasyon, mahiyain pa rin ito pagdating sa kanyang lovescene sa movie. Isang oras muna silang nagpilitan ng kanyang direktor bago siya nito napapayag na gawin ang mga eksenang hinihingi sa istorya.
"Actually, madali ang maghubad sa pelikula pero, ibang bagay yung lovescene. Lalot maraming tao sa set. Syempre, nakakahiya rin pero, nagawa ko rin ang mga eksena with Allen and Lito," sabi ng bagong artista.
Sasagutin ito ng Tio Ticong Pelikula at Pulitika (Vicente Salumbides), sinulat ni Julianito "Boy" Villasanta, isa sa mga librong ilulunsad ngayong Sabado, ika-7 ng Setyembre, 2002 sa ganap na ikaapat ng hapon, mula sa dalawampung titulo ng UST Publishing House, sa Function Room B, Level 5, Megatrade, SM Megamall (Bldg. B), Mandaluyong City.
Ilulunsad rin ang mga isyu sa 2002 ng Tomas 5, isang pampanitikang publikasyon ng UST Creative Writing Center at ang Karunungan, ang philosophy journal ng Philippine Academy of Philosophical Research.