Lolita dating ugly duckling ngayo'y beautiful swan
September 7, 2002 | 12:00am
Maganda si Lolita de Leon sa personal kaysa sa mga larawan o movie o TV screen. Hindi naka-capture ng mga movie o TV cameras ang kanyang angking kariktan. "Malaki rin po ako sa screen, kaya pati boobs ko ay nama-magnify. Hindi po totoong size 40 ako, size 36 lang po pero, Cup C. Malaki lang pong tingnan dahil wala po akong taba sa likod. Talaga pong boobs na boobs ang pumupuno sa size 36. Di gaya ng iba na mas malaki nga ang size pero nadadaya po dahil mataba ang likod," paliwanag ng sinasabing Donita Rose at Sofia Loren look-alike. "Flattered po ako na masabing kamukha ni Donita at ni Sofia pero, ang huli po ay hindi ko po talaga kilala. Sinabi po lamang nila na shes a great beauty and actress," dagdag pa niya.
Palabas na sana ang launching movie ni Lolita na Laman mula sa Regal Films. Dapat ay nung Agosto 28 ito ipinalabas sa mga sinehan pero, na-X ng MTRCB kaya na-move sa Setyembre 11.
Makikita pa rin naman ang Laman ng pinakabagong sexy star ng Regal bagaman at may mga eksenang iniklian. Other than this, mapapanood sa kanyang kabuuan ang pelikula na nagtatampok din kina Albert Martinez at Yul Servo sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.
Ayaw sanang ipasabi ni Tracy Torres na mayroon siyang tatlong boyfriend na hanggang ngayon ay nagagawan niya ng paraan para hindi magkatagpu-tagpo. Baka raw kasi mapintasan siya pero, kung ipagkakaila niya ito ay baka maging isang malaking isyu pa kaya, inaamin na lamang niya.
Chinese, American at Japanese ang mga bf niya na pawang may edad na mula 55 years old pataas. "Ayaw ko ng bata. Gusto ko ng bini-beybi ako. Magaling ako kaya, hindi sila nagtatagpo," aniya pa.
Ipinakikilala si Tracy sa Tukaan ng Leo Films kasabay ni Clarissa Mercado. Star din ng movie sina Halina Perez, Lito Legaspi at Allen Dizon.
Kahit pa sabihin na moderno si Tracy at napagsasabay ang tatlong relasyon, mahiyain pa rin ito pagdating sa kanyang lovescene sa movie. Isang oras muna silang nagpilitan ng kanyang direktor bago siya nito napapayag na gawin ang mga eksenang hinihingi sa istorya.
"Actually, madali ang maghubad sa pelikula pero, ibang bagay yung lovescene. Lalot maraming tao sa set. Syempre, nakakahiya rin pero, nagawa ko rin ang mga eksena with Allen and Lito," sabi ng bagong artista.
Sino nga ba si Vicente Salumbides at bakit siya mahalaga sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino?
Sasagutin ito ng Tio Ticong Pelikula at Pulitika (Vicente Salumbides), sinulat ni Julianito "Boy" Villasanta, isa sa mga librong ilulunsad ngayong Sabado, ika-7 ng Setyembre, 2002 sa ganap na ikaapat ng hapon, mula sa dalawampung titulo ng UST Publishing House, sa Function Room B, Level 5, Megatrade, SM Megamall (Bldg. B), Mandaluyong City.
Ilulunsad rin ang mga isyu sa 2002 ng Tomas 5, isang pampanitikang publikasyon ng UST Creative Writing Center at ang Karunungan, ang philosophy journal ng Philippine Academy of Philosophical Research.
Palabas na sana ang launching movie ni Lolita na Laman mula sa Regal Films. Dapat ay nung Agosto 28 ito ipinalabas sa mga sinehan pero, na-X ng MTRCB kaya na-move sa Setyembre 11.
Makikita pa rin naman ang Laman ng pinakabagong sexy star ng Regal bagaman at may mga eksenang iniklian. Other than this, mapapanood sa kanyang kabuuan ang pelikula na nagtatampok din kina Albert Martinez at Yul Servo sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.
Chinese, American at Japanese ang mga bf niya na pawang may edad na mula 55 years old pataas. "Ayaw ko ng bata. Gusto ko ng bini-beybi ako. Magaling ako kaya, hindi sila nagtatagpo," aniya pa.
Ipinakikilala si Tracy sa Tukaan ng Leo Films kasabay ni Clarissa Mercado. Star din ng movie sina Halina Perez, Lito Legaspi at Allen Dizon.
Kahit pa sabihin na moderno si Tracy at napagsasabay ang tatlong relasyon, mahiyain pa rin ito pagdating sa kanyang lovescene sa movie. Isang oras muna silang nagpilitan ng kanyang direktor bago siya nito napapayag na gawin ang mga eksenang hinihingi sa istorya.
"Actually, madali ang maghubad sa pelikula pero, ibang bagay yung lovescene. Lalot maraming tao sa set. Syempre, nakakahiya rin pero, nagawa ko rin ang mga eksena with Allen and Lito," sabi ng bagong artista.
Sasagutin ito ng Tio Ticong Pelikula at Pulitika (Vicente Salumbides), sinulat ni Julianito "Boy" Villasanta, isa sa mga librong ilulunsad ngayong Sabado, ika-7 ng Setyembre, 2002 sa ganap na ikaapat ng hapon, mula sa dalawampung titulo ng UST Publishing House, sa Function Room B, Level 5, Megatrade, SM Megamall (Bldg. B), Mandaluyong City.
Ilulunsad rin ang mga isyu sa 2002 ng Tomas 5, isang pampanitikang publikasyon ng UST Creative Writing Center at ang Karunungan, ang philosophy journal ng Philippine Academy of Philosophical Research.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended