Walang itulak-kabigin si Mikey sa kanyang mga co-stars sa pelikula lalo na sa mga sexy stars na sina Rufa Mae at Patricia na parehong game sa mga eksenang ipinagagawa sa kanila ni Direk Al Tantay.
Ang Jumbo Day ay first movie bale ni Mikey matapos silang magpakasal ni Angela Montenegro-Arroyo last June 24. At ngayong may asawa na siya, maraming bagay ang nabago sa kanya. Iba nga naman ang buhay niya nung binata pa siya. Pero kung kelan may asawa na siya at malapit nang maging ama ay saka naman dagsa ang kanyang trabaho. Pero naiintindihan naman umano ito ng kanyang misis na si Angela na very supportive sa kanya.
Nang dahil sa pag-ibig, nagawa umano ni Isabel na lisanin at talikuran ang kanyang ina na kanyang karamay at kasa-kasama magmula nang siyay isilang hanggang sa kanyang paglaki. Ulila na si Isabel sa ama kaya sila na lamang ng kanyang ina ang magkasama at nagdadamayan.
Ngayong nakuhang tikisin ni Isabel ang kanyang ina, wala na umanong balak si Mommy Guapa na bumalik pa ng Pilipinas. Bakit nga naman siya babalik dito kung wala na siyang anak na dapat balikan?
Bago umalis, sinisisi ni Mommy Guapa ang boyfriend ni Isabel na si Geryk Genasky na siyang dahilan para magbago ang kanyang anak at sumuway sa kanya bilang ina.
Pero sa kabila ng sama ng loob ng nararamdaman ni Mommy Guapa sa kanyang anak, hangad pa rin niya ang tagumpay at kaligayahan ni Isabel.
Si Tanya ay isa sa mga bituin ng pelikulang Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang? bilang ka-love triangle nina Robin Padilla at Judy Ann Santos na siyang mga pangunahing bituin ng pelikula.