^

PSN Showbiz

Isabel iniwan na ng ina!

RATED A - Aster Amoyo -
"Jumbo Day" ang titulo ng bagong rap song ng sikat na Salbakuta at ito rin ang ginamit na titulo ng first movie ng presidential son na si Mikey Arroyo sa bakuran ng Viva Films na tinatampukan din nina Andrew E., Rufa Mae Quinto, Patricia Javier, Blakdyak, Salbakuta at ang bagong ipinakikilalang sexy actress na si Jen Rosendahl.

Walang itulak-kabigin si Mikey sa kanyang mga co-stars sa pelikula lalo na sa mga sexy stars na sina Rufa Mae at Patricia na parehong game sa mga eksenang ipinagagawa sa kanila ni Direk Al Tantay.

Ang Jumbo Day ay first movie bale ni Mikey matapos silang magpakasal ni Angela Montenegro-Arroyo last June 24. At ngayong may asawa na siya, maraming bagay ang nabago sa kanya. Iba nga naman ang buhay niya nung binata pa siya. Pero kung kelan may asawa na siya at malapit nang maging ama ay saka naman dagsa ang kanyang trabaho. Pero naiintindihan naman umano ito ng kanyang misis na si Angela na very supportive sa kanya.
* * *
Nakakaawa naman si Mommy Guapa, ang butihing ina ng singer-actress na si Isabel Granada na bumalik sa Spain na kimkim ang sama ng loob sa kanyang kaisa-isang anak na hindi man lamang nakipagkita at nakipag-usap sa kanya bago man lamang siya umalis nung nakaraang Huwebes.

Nang dahil sa pag-ibig, nagawa umano ni Isabel na lisanin at talikuran ang kanyang ina na kanyang karamay at kasa-kasama magmula nang siya’y isilang hanggang sa kanyang paglaki. Ulila na si Isabel sa ama kaya sila na lamang ng kanyang ina ang magkasama at nagdadamayan.

Ngayong nakuhang tikisin ni Isabel ang kanyang ina, wala na umanong balak si Mommy Guapa na bumalik pa ng Pilipinas. Bakit nga naman siya babalik dito kung wala na siyang anak na dapat balikan?

Bago umalis, sinisisi ni Mommy Guapa ang boyfriend ni Isabel na si Geryk Genasky na siyang dahilan para magbago ang kanyang anak at sumuway sa kanya bilang ina.

Pero sa kabila ng sama ng loob ng nararamdaman ni Mommy Guapa sa kanyang anak, hangad pa rin niya ang tagumpay at kaligayahan ni Isabel.
* * *
Naglalakihang litrato nina Ruffa Gutierrez at Tanya Garcia ang naka-display sa lahat ng parlor chain ng Ricky Reyes sa buong Metro Manila bilang mga image model ng Gandang Ricky Reyes. Bukod kay Ruffa, anak-anakan din ni Mother Ricky ang young actress na si Tanya na unti-unti na ring gumagawa ng pangalan lalo pa’t malakas ang kanyang soap opera with Dingdong Dantes, ang Sana ay Ikaw Na Nga. Dahil dito, unti-unti na rin siyang ‘niluluto’ ng Viva para gawing isang malaking bituin balang araw.

Si Tanya ay isa sa mga bituin ng pelikulang Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang? bilang ka-love triangle nina Robin Padilla at Judy Ann Santos na siyang mga pangunahing bituin ng pelikula.

vuukle comment

AL TANTAY

ANDREW E

ANGELA MONTENEGRO-ARROYO

BAKIT NGAYON KA LANG

DINGDONG DANTES

JUMBO DAY

KANYANG

MOMMY GUAPA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with