Angelika, sasabak na sa bold?
September 5, 2002 | 12:00am
May ilang nagtatanong kung totoo ba na kaya nagpapapayat ng husto si Angelika dela Cruz ay dahil naghahanda na siyang lumabas sa sexy movies gaya nina Maui Taylor at Rica Peralejo.
"Naku, Tita hindi po totoo ang tsismis. Hindi ko talaga kayang magpa-sexy at makipagsabayan sa nabanggit nyong artista. Kaya nga po namimili kami ng proyekto dahil hanggang ngayon ay gusto ko pa ring ma-maintain ang wholesome image ko," aniya.
Ang malaking dahilan kung bakit nagpapapayat siya ng husto ay dahil hindi na siya magandang tingnan sa screen dahil malaki ang kanyang braso.
May offer siya mula sa isang baguhang independent outfit kung saan title role siya. Interesado rin sa kanya ang MMG Films at gustong makipag-usap sa kanyang manager.
Nanghihinayang si Chat Silayan dahil may offer pala siya sa Channel 7 para maging asawa ni Eddie Gutierrez sa Kung Mawawala Ka. Kaso hindi niya kaya ang tatlong beses na taping sa loob ng isang linggo. Prioridad pa rin niya ang kanyang pamilya. Gustung-gusto nga niyang makasama sa teleserye ang mga malalapit na kaibigang sina Princess Punzalan at Hilda Koronel.
Kasali naman si Chat sa K2BU ng Channel 2 at nami-miss din ang paglabas sa pelikula.
Nagbalik-sigla na ang career ni Jomari Yllana. Nang makausap namin siya sa set ng Kool Ka Lang, sinabi niyang kasama siya sa Balangiga Massacre na tatampukan din ni Robin Padilla. Malamang na hindi na ito makasali sa darating na Metro Manila Film Festival dahil hindi pa sila makapagsimula ng syuting. Busy din ang direktor ng movie na si Chito Roño dahil tinatapos naman nito ang Spirit Warriors 2 na entry din sa MMFFP. Kasama rin siya sa bagong soap opera ng TAPE titled Hawak Ko Ang Langit with Assunta de Rossi.
Bukod sa pelikula at TV ay abala pa rin si Jom sa pag-aasikaso sa international race track sa Clark Air Field. Pagdating ng hinihintay na mga gamit ay makakapagsimula na sila ng operation. Hindi muna makakasali sa race ang aktor dahil unethical na siya ang nagma-manage ng racing track tapos ay sasali pa siya.
Normal lang sa isang binatilyo na magkaroon ng mga crushes. Unang crush ni Jolo Revilla ay si Anne Curtis na nobya ni Oyo Boy Sotto.
Ang crush na crush ngayon ng guwapong anak ni Bong Revilla ay si Shaina Magdayao. Nagandahan na pala ito noong maging flower girl ang young actress sa kasal ng kanyang ina at ama.
Umaasa si Jolo na sanay makasama niya ito sa pelikula. Sa kabilang banda, may entry sa MMFFP 2002 si Jolo na tatampukan ng kanyang ama titled Agimat kung saan makakasama rin niya ang kanyang lolo na si Ramon Revilla Sr. sa isang cameo role.
Kapag tinatanong ang baguhang seksing aktres na ito kung virgin pa siya ay buong ningning niyang sinasabi na oo. Naniniwala naman ang iba dahil mukhang inosente ang kanyang kagandahan. Lagi pa rin nitong kasama ang kanyang mahal sa buhay sa mga lakaran para malayo sa tukso.
Pero may nakapagbulong na hindi totoo ang sinasabi ng petite na aktres na virgin pa siya dahil naipagkaloob na raw nito ang kanyang pagkababae sa kanyang boyfriend noon.
Happy birthday sa aming Boss na si Wilson Tieng ng Solar Films na nagpapagaling na ngayon at nagmukhang bata after his kidney transplant.
"Naku, Tita hindi po totoo ang tsismis. Hindi ko talaga kayang magpa-sexy at makipagsabayan sa nabanggit nyong artista. Kaya nga po namimili kami ng proyekto dahil hanggang ngayon ay gusto ko pa ring ma-maintain ang wholesome image ko," aniya.
Ang malaking dahilan kung bakit nagpapapayat siya ng husto ay dahil hindi na siya magandang tingnan sa screen dahil malaki ang kanyang braso.
May offer siya mula sa isang baguhang independent outfit kung saan title role siya. Interesado rin sa kanya ang MMG Films at gustong makipag-usap sa kanyang manager.
Kasali naman si Chat sa K2BU ng Channel 2 at nami-miss din ang paglabas sa pelikula.
Bukod sa pelikula at TV ay abala pa rin si Jom sa pag-aasikaso sa international race track sa Clark Air Field. Pagdating ng hinihintay na mga gamit ay makakapagsimula na sila ng operation. Hindi muna makakasali sa race ang aktor dahil unethical na siya ang nagma-manage ng racing track tapos ay sasali pa siya.
Ang crush na crush ngayon ng guwapong anak ni Bong Revilla ay si Shaina Magdayao. Nagandahan na pala ito noong maging flower girl ang young actress sa kasal ng kanyang ina at ama.
Umaasa si Jolo na sanay makasama niya ito sa pelikula. Sa kabilang banda, may entry sa MMFFP 2002 si Jolo na tatampukan ng kanyang ama titled Agimat kung saan makakasama rin niya ang kanyang lolo na si Ramon Revilla Sr. sa isang cameo role.
Pero may nakapagbulong na hindi totoo ang sinasabi ng petite na aktres na virgin pa siya dahil naipagkaloob na raw nito ang kanyang pagkababae sa kanyang boyfriend noon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended