A perennial face in bikini tilts, madalas sa mga ganitong paligsahan ang 19 na taong gulang na introducing sa pelikulang Tukaan ng Leo Films. Napaka-slender niya kung kaya aakalain mo na mas matangkad pa siya sa sukat niyang 551/2". Wala siyang dugong banyaga. Pinay na Pinay siya sa kanyang kulay na binagayan ng isang mahaba at maitim na buhok.
Siya ang kasalukuyang humahawak ng titulong Miss Boracay 2002. Kundi siya napadpad sa pelikula ay baka nakasali na rin siya sa mga pangunahing beauty pageants natin, gaya ng Bb. Pilipinas at Mutya ng Pilipinas.
"Hindi na siguro ako makakasali ngayon dahil baka ayaw nila ng nagbu-bold," sabi ni Clarissa sa isang recent talk.
Hindi lamang ang pamilya niya ang magugulat kundi maging ang marami niyang kaibigan kapag nakita nilang topless siya sa Tukaan at nakikipag-lovescene ng intimate kay Allen Dizon.
"Hindi raw muna manonood ng movies ko ang family ko, para hindi naman sila mabigla sa makikita nila. Nakahiwalay ako sa kanila ngayon. I live near my manager at nasa Cavite naman sila," sabi ng magaling na singer na minani lamang ang isang song ni Regine Velasquez nang hingan namin siya ng sampol. Sinabi kasi niya na kumakanta siya professionally.
Isang dance album naman ang ipino-promote ng SBD na nagsasayaw lamang na ginawa ng Universal Records. May pamagat itong: "I Like & Other Dance Hits" at nagtatampok ng pawang mga 15 danceable items gaya ng " Angelina", "Cant Get You Out Of My Head", "Get The Party Started" at marami pa.
Ang Sex Bomb Dancers ng Universal Records ay binubuo nina Eiraliz Bermudez, Miavelle Pangyarihan, Grace Nera, Cheryl Tolentino, Sandy Tolentino, Jacquiline Rivas, May Acosta at Nathalie Imperial. May mall tour sila sa Set. 8 sa SM Pampanga; Set 14., SM North Edsa; Set. 15, SM Fairview; Set. 21, Ever Ortigas, Set. 27, SM Southmall.
Ang self-titled album nila ay nagtataglay ng 18 songs na pinangungunahan ng tatlong awitin na mauunang mapakinggan ang "Your Smile" na nagtatampok sa tatlong bokalista ng grupo, sina Zaq Salazar, Robbie Rapsmith at ang sax player na si Lauren C. na siyang gaganap ng novelty part; "La La Means I Love You", isang revival ng Jackson Five hit at ang "The Way We Were", unang pinasikat nina Barbra Streisand at Rico Puno.
Ang tatlong awiting ito at ang 15 pang iba ay bumubuo ng repertoire ng grupo sa kanilang mga gigs. Sa buwang ito ng Setyembre, nasa Ratsky Malate sila tuwing Miyerkules, Ratsky Morato tuwing Biyernes at Hard Rock Cafe Makati tuwing Sabado.
Ang iba pang myembro ng Tribe of Levi ay sina Emerzon Texon, guitar, Edward Mitra, piano, Mark Anthony Ayangco, drums, Ramil Servales, base at Princess Samson, female vocalist.