Sa ngayon, isa si Camille sa bida sa Arriba, Arriba along with Heart Evangelista at Aiai delas Alas. Isa ito sa mga shows na may pinakamataas na ratings sa ABS-CBN. Every Wednesday ay napapanood siya bilang isa sa mga co-hosts ng Magandang Tanghali Bayan. Balitang naghahanap ngayon ang ABS-CBN Talent Center ng isang permanenteng ka-loveteam ni Camille.
Isa rin si Camille sa pinakabatang endorsers ngayon. Ilan sa mga iniindorso niya ay ang Banco Filipino, Secosana Teens at Crimson Shirts for Teen.
Graduating sa high school si Camille sa Distance Learning Center ng ABS-CBN.
July next year, she will be turning 18 at isang bonggang debut party ang inihahanda ng kanyang magulang na sina Daniel at Alma Prats. Kung si Camille lang ang masusunod, gusto niyang mag-celebrate ng 18th birthday sa isang charity institution. Pero nangako ang kanyang magulang na bibigyan pa rin siya ng isang engrandeng debut party.
Sunud-sunod ang naging endorsements ng aktor. Nariyan ang Lee Jeans, Sara Lee Male Body Scents, Talk N Text, Hunks Apparel ng ABS-CBN Consumer Products, Inc., Coke at iba pa.
With projects left and right, talagang wala nang mahihiling pa si Jericho. At least, pagdating niya ng 23, marami siyang dapat ipagpasalamat sa ABS-CBN Talent Center, ABS-CBN, Star Cinema, fans, press, family at mga advertisers na hindi tumalikod sa kanya.
Birthday plans? Tiyak meron. According to Mr. Alan Real ng ABS-CBN Talent Center, inaayos na nila ang sunud-sunod na celebration sa ABS-CBN. Tiyak daw na mayroon ding party na taun-taon naman ay ginagawa niya. Ang maganda lang, ang mga kompanyang iniindorso ni Jericho ang nag-uunahang magbigay sa kanya ng birthday party.