^

PSN Showbiz

Camille, ilulunsad sa stardom

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Kung iniisip ng marami na pinababayaan na si Camille Prats ng ABS-CBN, think again. Ang totoo, inihahanda na si Camille sa paglulunsad sa kanya sa stardom. Ang balita, si Camille ay nakatakdang i-launch kung paanong ni-launch si Claudine Barretto sa Mula Sa Puso na ngayon ay isa na sa young superstars ng Philippine showbiz.

Sa ngayon, isa si Camille sa bida sa Arriba, Arriba along with Heart Evangelista at Aiai delas Alas. Isa ito sa mga shows na may pinakamataas na ratings sa ABS-CBN. Every Wednesday ay napapanood siya bilang isa sa mga co-hosts ng Magandang Tanghali Bayan. Balitang naghahanap ngayon ang ABS-CBN Talent Center ng isang permanenteng ka-loveteam ni Camille.

Isa rin si Camille sa pinakabatang endorsers ngayon. Ilan sa mga iniindorso niya ay ang Banco Filipino, Secosana Teens at Crimson Shirts for Teen.

Graduating sa high school si Camille sa Distance Learning Center ng ABS-CBN.

July next year, she will be turning 18 at isang bonggang debut party ang inihahanda ng kanyang magulang na sina Daniel at Alma Prats. Kung si Camille lang ang masusunod, gusto niyang mag-celebrate ng 18th birthday sa isang charity institution. Pero nangako ang kanyang magulang na bibigyan pa rin siya ng isang engrandeng debut party.
* * *
Sa September 22, Jericho Rosales is turning 23. Sa kanyang kaarawan, maraming dapat ipagpasalamat ang aktor. Na-elevate na siya sa leading man status at heir apparent sa pagiging drama prince. Nagsimula ito sa Pangako Sa ‘Yo na isa sa pinakamatagumpay na teleserye sa Philippine television. Sa taong ito, naipakita ni Jericho ang kanyang box-office appeal with the success of Forevermore with Kristine Hermosa. Isa ito sa mga certified blockbuster ngayong taon. Kasama rin siya sa isang meaningful movie ng nagdaang taon, ang Bagong Buwan.

Sunud-sunod ang naging endorsements ng aktor. Nariyan ang Lee Jeans, Sara Lee Male Body Scents, Talk ‘N Text, Hunks Apparel ng ABS-CBN Consumer Products, Inc., Coke at iba pa.

With projects left and right, talagang wala nang mahihiling pa si Jericho. At least, pagdating niya ng 23, marami siyang dapat ipagpasalamat sa ABS-CBN Talent Center, ABS-CBN, Star Cinema, fans, press, family at mga advertisers na hindi tumalikod sa kanya.

Birthday plans? Tiyak mero’n. According to Mr. Alan Real ng ABS-CBN Talent Center, inaayos na nila ang sunud-sunod na celebration sa ABS-CBN. Tiyak daw na mayroon ding party na taun-taon naman ay ginagawa niya. Ang maganda lang, ang mga kompanyang iniindorso ni Jericho ang nag-uunahang magbigay sa kanya ng birthday party.

ABS

ALMA PRATS

BAGONG BUWAN

BANCO FILIPINO

CAMILLE

CAMILLE PRATS

CBN

ISA

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with