Ang Daboy en Da Girl na nasa kanyang ikalawang season na ay tinatampukan din nina Sunshine Dizon Jeffrey Quizon, Lolit Solis, Isko Salvador, Rochelle Pangilinan, Gene Padilla, K. Brosas, Caloy Alde at Robert Ortega.
And speaking of Daboy, umalis ito nung nakaraang Biyernes kasama ang kanyang misis na si Lorna Tolentino para sa isang engagement sa San Francisco, California. Mga apat na araw lamang mawawala ang mag-asawa dahil kailangan nilang bumalik kaagad dahil sa kanilang respective commitments dito. Bukod sa kanilang mga negosyo, may regular taping si LT para sa kanyang soap opera na Kay Tagal Kang Hinintay at si Daboy naman sa kanyang sitcom na Daboy en Da Girl. Malapit na rin nitong simulan ang bago niyang movie sa bakuran ng Maverick Films na muling ididirek ni Edgardo Boy Vinarao.
Last Monday morning, isang kakaibang (exclusive) interview ang ginawa ni Mina para sa kanilang Morning Girls show with Pops Fernandez and Zsazsa Padilla dahil siya mismo ang nag-interview sa kanyang live-in partner na si Zoren Legaspi kasama ang kanilang twin babies na sina Maverick at Cassandra sa playroom ng mga bata. Very candid ang nasabing interview na animoy nagkukuwentuhan lang ang magsing-irog na ang tawagan ay honey. Habang wala namang pakialam sa paglalaro ang kanilang dalawang super-cute na mga anak.
Ngayong annulled na ang kasal ni Carmina sa dati nitong mister na si Rustom Padilla, malaya nang pakasalan ni Mina si Zoren.
Ang nakakatuwa pa rito kay Mina, kung kelan itong nakipaghiwalay kay Rustom at nagkaroon ng relasyon kay Zoren at magkaanak ay saka naman dinagsa ng trabaho ang aktres. Bukod sa pagiging talk show host, meron din siyang soap opera with Diether Ocampo, ang Recuerdo de Amor at may pelikula siyang sisimulan sa bakuran ng Regal Films kung saan niya makakabituin si Richard Gomez. At kapag may libre rin lamang panahon si Mina, she makes it a point na inilalaan niya ito sa kanyang pamilya.
Walang itulak-kabigin si Mikey sa kanyang mga co-stars sa pelikula laluna sa mga sexy stars na sina Rufa Mae at Patricia na parehong game sa mga eksenang ipinagagawa sa kanila ni Direk Al Tantay.
Ang Jumbo Day ay first movie bale ni Mikey matapos silang makasal ni Angela Montenegro-Arroyo last June 24. At ngayong may asawa na siya, maraming bagay ang nabago sa kanya. Iba nga naman ang buhay niya nung binata pa siya. Pero kung kelan may asawa na siya at malapit nang maging ama ay saka naman dagsa ang kanyang trabaho. Pero naiintindihan naman umano ito ng kanyang misis na si Angela na very supportive sa kanya.
Nang dahil sa pag-ibig, nagawa umano ni Isabel na lisanin at talikuran ang kanyang ina na kanyang karamay at kasa-kasama magmula nang siyay isilang hanggang kanyang paglaki. Ulila na si Isabel sa ama kaya sila na lamang ng kanyang ina ang magkasama at nagdadamayan.
Ngayong nakuhang tikisin ni Isabel ang kanyang ina, wala na umanong balak si Mommy Guapa na bumalik pa ng Pilipinas. Bakit nga naman siya babalik dito kung wala na siyang anak na dapat balikan?
Bago umalis, sinisisi ni Mommy Guapa ang boyfriend ni Isabel na si Geryk Genasky na siyang dahilan para magbago ang kanyang anak at sumuway sa kanya bilang ina.
Pero sa kabila ng sama ng loob ng nararamdaman ni Mommy Guapa sa kanyang anak, hangad pa rin niya ang tagumpay at kaligayahan ni Isabel.
Si Tanya ay isa sa mga bituin ng pelikulang Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang? bilang ka-love triangle nina Robin Padilla at Judy Ann Santos na siyang mga pangunahing bituin ng pelikula.